Wala na tayong pera! Duterte inaming wala nang pondo para sa ayuda ngayong MECQ

Screennshot mula sa RTVM video
  • Inamin ni Pangulong Duterte na wala nang pera ang gobyerno para sa pamimigay ng pagkain
  • Tinugon ng Pangulo ang panawagan ng mga frontliners na muling higpitan ang lockdown sa NCR
  • Hindi raw puwedeng ikumpara ang Pilipinas sa ibang bansa dahil hindi sapat ang ating ipon

Matapos ianunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang muling pagsasailalim sa modified enhanced community quaranting (MECQ) ag buong Mtero Manila at karatig na mga lalawigan, inamin din nito na wala nang pondo ang gobyerno na maaaring ipamahagi sa mga maapektuhan.

Ginawa ni Duterte ang nasabing hakbang bilang sagot sa panawagan ng mga medical frontliners na muling higpitan ang lockdown sa Kamaynilaan upang mapigil ang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

Screenshot mula sa RTVM video

“I’m sorry Manila, ngayon magsabi kayo i-lockdown mo na ang Manila, ang ibang lugar, kahit Philippines, para talagang walang mahawa—wala ka nang mahawaan, wala ka nang mahawa,” anang Pangulo sa kaniyang ginawang pahayag sa publiko nitong Linggo nang gabi, ika-2 ng Agosto.

“Problem is wala na tayong pera. I cannot give food anymore and money to people,” dagdag pa nito.

Hindi rin umano puwedeng ikumpara ang Pilipinas sa ibang mayamang bansa dahil wala talagang masyadong savings ang gobyerno sa kasalukuyan.

Imahe mula sa StoriesAsia

“Unang una, wala nang makain. Iilan lang ang tao talaga na may savings for a rainy day, while our savings is just good for a drizzle,” wika ni Duterte. “Ambon lang, ibang preparation and for a typhoon. Hindi tayo mayaman.”

Simula sa Martes, ika-4 ng Agosto, muling ipatutupad ang MECQ sa National Capital Region (NCR), Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal. Mananatili ang MECQ sa mga nabanggit na lugar hanggang Agosto 18.

Ito ay base na rin sa rekomendasyon ng Department of Health (DOH) bilang sagot sa hinaing ng mga frontliners na humingi muna ng ‘timeout’ dahil ‘pagod na pagod’ na umano sila at marami na rin ang dinapuan ng coronavirus sa kanilang hanay.

Loading…