Walang bahid ng corruption: NEDA chief Karl Chua dapat pamunuan ang Philhealth

Imahe mula sa facebook ni Sec. Karl Kendrick CHua
  • Nais ni Senador Zubiri na si NEDA chief Karl Chua ang mamuno sa Philhealth
  • May kredibilidad at wala umanong bahid ng katiwalian si Chua
  • Kailangan din daw na i-overhaul ang lahat ng key positions sa ahensiya para magkaroon ng ‘clean slate’

Dahil maugong ang usap-usapan tungkol sa posibleng pagpapalit ng liderato sa Philhealth sa gitna ng kinakaharap na isyu ng katiwalian sa loob ng ahensiya, isang pangalan ang lumutang para pumalit kay Ricardo Morales.

Ayon kay Senador Juan Miguel Zubiri, kailangan ng Philhealth ang isang taong may kredibilidad, walang bahid ng corruption at bihasa sa numero; at ito ay walang iba kung hindi ang kasalukuyang hepe ng National Economic and Development Authority (NEDA) na si Karl Kendrikc Chua.

Imahe mula sa Facebook ni Sen. Zubiri

“We need somebody like Karl Chua of the NEDA, he used to be undersecretary of finance and he’s now acting secretary of the NEDA,” ani Zubiri sa panayam ng ANC.

“Somebody like Karl Chua would be perfect for a job on PhilHealth because he’s a numbers guy. He will see the disparity and the discrepancies in the release of funds,” dagdag pa ng mambabatas.

Ganito rin ang sinabi ni Zubiri sa hiwalay na online press briefing nitong Miyerkules. Marami umanong nagtatanong sa kaniya kung sino ang pwedeng ilagay sa Philhealth, kung isa na namang ex-military o kaya ay isang doktor.

“Sabi ko, ang pinakamagandang ilagay bilang pinuno ng PhilHealth ay isang finance expert from the private sector or a finance expert even within the government system,” wika ng senador.

Subalit giit ni Zubiri, kailangan ding i-overhaul ang Philhealth dahil mawawalan ng silbi ang paglalagay sa isang tulad ni Chua sapagkat naroon pa rin ang ‘mafia’.

Imahe mula sa Facebook ni Sec. Chua

Ito ang ginawang rekomendasyon ng senador – ang i-overhaul ang lahat ng key position sa Phihealth para magkaroon umano ng panibagong liderato o ‘clean slate.’

Ilang matataas na opisyal ngayon sa Philhealth ay pawang mga retiradong militar tulad nina Morales, dating Vice President for Operations Augustus De Villa at ang dating executive assistant ni Morales na si Estrobal Laborte, isang retired Marine colonel.

Loading…