Walang Pinoy na dapat magutom: SMC araw-araw mamimigay ng masustansyang nutribun

Imahe mula sa SMC
  • Sa panahon ng pandemya kung saan marami ang nawalan ng trabaho, sinabi ng SMC na walang Pinoy na dapat magutom
  • Araw-araw mamimigay ng nutribun sa mga mahihirap na komunidad sa Metro Manila ang SMC
  • Tatlumpung piling Petron gas stations na malapit sa mga depressed areas ang gagawing distribution center ng nutribun

Muling mamimigay ng masustansyang nutribun ang San Miguel Corporation (SMC) sa mga urban poor. Tatlumpung Petron gas stations na malapit sa mga mahihirap na komunidad ang gagawing distribution center ng mga tinapay na vitamin-fortified at energy-packed.

Imahe mula sa SMC

Matatandaang  namahagi na rin ang SMC ng nutribun at iba pang food items noong Marso nang magdeklara ang pamahalaan ng enhanced community quarantine.

BASAHIN: SMC Brings Back ‘Nutribun’, Donates to Communities

Ibinahagi ni SMC president at chief operating officer Ramon Ang na napagdesisyunan ng kumpanya na ituloy ang pamimigay ng nutribun sa mga maralitang pamilyang Pinoy dahil ang mga ito ang lubos na naaapektuhan ng umiiral na pandemic.

Sabi niya, kung ang SMC na isang malaking kumpanya ay hindi nga nakaligtas sa economic impact ng COVID-19 pandemic, lalo na raw ang mga pamilyang nagdarahop na umaasa lang sa araw-araw na sweldo at ang ibang wala talagang pinagkakakitaan.

Imahe mula sa SMC

“These are difficult times for all of us. Even businesses, big and small, including San Miguel, are not spared of the economic impact of COVID-19. Many families are struggling to cope. What more the most disadvantaged among us–those who rely on daily paid work, or those who have no means of income at all?” ani Mr. Ang.

“We hope this feeding program will help sustain many of our countrymen who are struggling through these difficult times. As a company that has food as one of its main line of businesses, we believe no Filipino should go hungry despite the hardships we’re facing today. We are committed to doing our part to making sure this goal is achieved, however way we can,” dagdag pa niya.

At upang regular na makapagbigay ng nutribun, maglalagay ng mga bread kiosks sa piling Petron gas stations. Nagsimula nang bumili ng mga oven ang SMC para sa proyekto.

Imahe mula sa SMC

Kabilang sa mga lugar na bibigyan ng araw-araw na tinapay ay ang Payatas, Caloocan, Malolos, at Tondo. Plano rin sa kalaunan na magbigay ng lugaw at iba pang pagkain sa mga bread kiosks.

Loading…