WFH struggles: Empleyado na may makulit na aso ibinahagi ang nakatutuwang karanasan

Imahe mula sa Facebook | Alexa Marie Servillon
  • Marami ang naka-relate sa video na ibinahagi ng isang netizen kung saan makikitang kinukulit ng alagang aso ang kaniyang ate na nagtatrabaho
  • May kapanayam sa cellphone ang kapatid habang kinukulit siya ng alaga at tila nais na makipaglaro
  • Nagbahagi rin ang ilang netizens ng sariling karanasan sa pagtatrabaho sa bahay kasama ang kanilang alaga

Ngayong patuloy na tumataas ang naiuulat na kaso ng COVID-19 sa bansa ay marami ang mga empleyado na work from home muna ang setup bilang pag-iingat sa virus.

Imahe mula sa Facebook | Alexa Marie Servillon

Bukod sa tamang gamit at mabilis na Internet connection, may mga nakararanas din ng kakaibang pagsubok kagaya ng netizen na si Alexa Marie Servillon na nagbahagi ng video ng karanasan ng kapatid na si Paula.

Sa mahigit isang minutong video na kaniyang ibinahagi online ay makikitang may kapanayam na aplikante ang kapatid. Kitang nasusubok ang focus at pasensiya ni Paula dahil sa kalikutan ng alagang aso na pilit siyang nilalapitan at tila gustong makipaglaro.

Marami ang naka-relate sa kaniyang karanasan at ngayon ay may 12k reactions at 6.2k shares na ang kaniyang post. “Kaloka si doggo, sobrang likot. Hindi ko kakayanin ganiyan kalikot kapag nag-wo-work,” komento ni G. Dominic.

Ang ilan, ibinahagi ang kanilang sariling karanasan. “Parang si Chivas. Kapag may kausap ako sa phone, doon tahol nang tahol. Nakikipagsabayan,” ani M. Gonzales.

Imahe mula sa Facebook | Alexa Marie Servillon

Sa sobrang kulit ay napalo rin Paula ang alaga. Sinita siya ng isang netizen sa ginawa ngunit paliwanag niya, trained ang alaga na kapag pinalo siya sa nguso ay dapat na siyang mag-behave. “Dapat sa nguso ang hampas ko pero hindi sinasadya na sa ulo ko mahampas,” aniya.

“Don’t worry, okay na okay po ang kalagayan niya. Happy na po siya ‘pag marami na akong pasa dahil sa play bites niya.”

Nagbahagi rin siya ng larawan ng cute na alaga habang natutulog.

Panoorin dito ang video:

Source :

Facebook

Loading…