Willie Revillame inaming pangarap niyang maging tulad ng Tito, Vic, at Joey

Imahe mula sa YouTube | Wowowin at Instagram | Eat Bulaga
  • Minsan nang pinangarap ng Wowowin host na si Willie Revillame na maging kagaya nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey De Leon na magkakasama sa Eat Bulaga
  • Kamakailan lamang ay nagdiwang ang longest-running noon-time show ng kanilang ika-41 anibersaryo
  • Samantala, bilang pagtugon sa kasalukyang pangangailangan ng bansa ay magbibigay ng scholarship ang Eat Bulaga sa mga susunod na frontliner

Inamin ng Wowowin host na si Willie Revillame na inspirasyon niya ang Eat Bulaga hosts na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey De Leon.

Imahe mula sa YouTube | Wowowin

Sinabi niya ito sa isang episode ng kaniyang show kung saan ipinaabot niya ang kaniyang pagbati sa longest-running noon-time show na nagdiriwang ng kanilang ika-41 anibersaryo.

“Congratulations sa Eat Bulaga. Forty-one years na po sila na nagbibigay ng isang libo’t isang tuwa sa buong mundo. Iyan po ang Eat Bulaga…Isipin ninyo, mga bata pa lang tayong lahat, [nariyan na ‘yan],” ani Willie.

Minsan na rin daw niyang pinagarap na sumunod sa yapak nina Tito, Vic, at Joey.

“Awa ng Diyos wala akong Tito, wala akong Vic, wala akong Joey. Meron akong sarili ko lang,” pahayag ni Willie. “Ganoon ang buhay, eh. Sila lang ‘yan, e. Ang dami nang tumapat pero walang tumibag. Kaya nga tama si Joey de Leon, laging may bulaga sa kasiyahan.”

Imahe mula sa Instagram | Eat Bulaga

Samantala, layunin naman ng Eat Bulaga na makapagbigay ng scholarship sa mga nagnanais na magkaroon ng propesyon sa larangan ng kalusugan.

“Sa gitna ng pandemyang ating hinaharap, nakita natin na ang isang mahalagang pangangailangan ng bansa ngayon. Ngayong new normal, ang EBest scholars na aming sasamahang itawid ang pag-aaral ay ang mga nangangarap maging doktor at nars na nasa huling hakbang na bago sila maging ganap na frontliners,” paliwanag ni Vic.

“Nakita kasi natin na marami pa sa kanila ang nahihirapan sa pag-aaral. Yung kunwari, bayad sa review center, panggastos sa araw-araw, at yung bayad pa sa board exam.”

Congratulations, Eat Bulaga!

Source :

YouTube, PEP

Loading…