Wrong choice of words: Harry Roque nag-public apology sa sinabing naka-perpetual isolation si Pang. Duterte

Imahe mula sa PCOO
  • Nag-public apology si Presidential Spokesperson Harry Roque kay Pang. Rodrigo Duterte sa sinabi ng unang naka-perpetual isolation ang huli
  • Mali raw ang mga salitang nagamit ni Roque at ang gusto niya lamang sabihin ay mahigpit na ipinatutupad ng PSG ang social distancing sa mga nakasasalamuha ng pangulo
  • Ito ay matapos na muling mag-positibo sa COVID-19 si DILG Sec. Eduardo Año

Sa kaniyang press briefing nitong Lunes ay nag-public apology si Presidential Spokesperson Harry Roque kay Pang. Rodrigo Duterte sa sinabi nitong naka-perpetual isolation ang presidente.

Imahe mula sa PCOO

Noong Agosto 17 ay tinanong si Roque kung sumailalim ba sa quarantine si Pang. Duterte matapos nitong makasama sa pagpupulong si Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año na muling nag-positibo sa COVID-19.

“If we will go by the book, hindi siya nag-close contact dahil malayo kaming lahat kay presidente at naka-face shield at naka-face mask,” unang tugon ni Roque.

Ngunit inusisa siya ng GMA reporter na si Joseph Morong sa guidelines ng Department of Health na nagsasabing maituturing na close contact ang mga nakasama ng isang tao sa isang silid nang mahigit 15 minuto. “I’m sure the president and Sec. Año interacted,” dagdag pa ni Morong.

“The president is in perpetual isolation because no one can come close to him,” sagot ni Roque.

Imahe mula sa PCOO

Paglilinaw niya naman, ang ibig niya lamang sabihin ay nagagampanan nang maayos ng Presidential Security Group ang kanilang tungkulin na siguraduhing sumusunod sa social distancing ang mga nakasasalamuha ni Pang. Duterte.

“Bagama’t makikita ko po si presidente mamaya, baka wala po akong pagkakataon. I’d like to publicly apologize to the president for past mistakes I had last Monday lalong lalo na po doon sa sinabi kong perpetual isolation,” ani Roque.

“Wrong choice of words po pero what I meant only was that the Presidential Security Group has been doing a good job at ensuring that there is social distancing between anyone who wants to talk to the President. Pasensiya po.”

Samantala, nag-self isolate naman si Roque matapos niyang makasama sa flight si Sec. Año. Nag-negatibo na rin siya sa COVID test.

Loading…