Yexel Sebastian ipinapa-raffle ang ilang mga toy collection

  • Pinapa-raffle ng celebrity na si Yexel Sebastian ang ilan sa kaniyang mga toy collections
  • Nauna nang napabalita ang pagbebenta niya ng mga koleksyong human-sized Iron Man na aabot sa 1.4 milyong piso ang isa
  • 70 slots lamang ang hinahanap nila upang makapagsimula na sa live raffle draw

Kamakailan lamang ay pinag-usapan ang pagbebenta ng celebrity at toy collector na si Yexel Sebastian sa kaniyang mga koleksyong human-sized Iron Man sa halagang 1.4 milyong piso ang isa. Si Yexel Sebastian ay isang television personality, director, producer, dancer, toy collector at curator, na nagmamay-ari ng pinakamalaking “Optimus Prime bust”  sa Asya.

Toy collector Yexel Sebastian ibinebenta ang mga koleksyong human-sized “Iron Man”

Kasabay pala nito, may pa-raffle din siya sa mga nagnanais na magkaroon ng kaniyang mga toy collection, ayon sa kaniyang Facebook post.

Kasama sa raffle draw ang mga toy collections na human-sized Frozen Elsa and Anna bust, helmet ni Black Panther, Terminator head bust, at human-sized Catwoman head bust, at marami pang iba. Subalit ang kaniyang grand prize ay isa sa kaniyang mga human-sized Iron Man statue.

Ibinigay ni Yexel ang mechanics kung paano sumali sa naturang raffle draw.

“Heto po kung paano sumali. MECHANICS: Pay exact 1999 pesos per slot. Puwede kahit ilang slots ang bilhin. NO PAYMENT NO LISTA NUMBER RULE. Send pic ng receipt if paid na para ma-list na sa notebook ng mga kasali at hintayin ang LIVE Draw. Live draw po kapag napuno ang 80 slots (na gagawin na lamang daw 70 slots nitong Agosto 19, 2020),” ayon kay Yexel.

Dahil sa hilig niya sa pangongolekta ng mga laruan, at hindi lamang basta mga laruan kundi mga naglalakihan at ga-higanteng laruan o human-sized statues, nagpagawa siya ng isang museo na tinawag niyang “Yexel’s Toy Museum” kung saan niya idini-display ang mga toy collection simula pa noong 1989.

Imahe mula sa Facebook account ni Yexel Sebastian

Karamihan sa kaniyang mga koleksyon ay movie-based characters. Matatagpuan ang kaniyang museo sa Las Piñas City, na isang gusaling may apat na palapag. Subalit ang pinakapinag-uusapan dito ay ang 18-foot Optimus Prime bust na nilikha ni Abet Valdecantos.

Ang pangalawang museo naman niyang ”Yexel’s Toy Collection” ay makikita naman sa “Boom na Boom Complex” sa Pasay City. Noong 2014 naman, naipatayo niya ang ”Amazing Stories of Yexel’s Museum”, sa tulong ng Manila Ocean Park, bilang atraksyon sa mga turistang dumarayo roon.

Sa mga nagnanais na sumali sa raffle draw, makipag-ugnayan lamang kay Yexel Sebastian sa kaniyang social media accounts.

Source :

Facebook, DF News

Loading…