100% operating capacity sa malls, iba pang negosyo sa ilalim ng GCQ isinusulong ng DTI

Imahe mula sa PNA
  • Iminumunghaki ni Trade Sec. Lopez na payagan ang malls at iba pang negosyo sa GCQ areas na mag-operate ng 100% capacity
  • Layunin ng mungkahi na dumami ang bilang ng mga manggagawang makapapasok sa kanilang trabaho
  • Iminungkahi rin ng kalihim na iksian o kaya ay alisin na ang curfew hours

Isinusulong ng Department of Trade and Indsustry (DTI) na lalo pang mabuksan ang ekonomiya sa gitna ng COVID-19 pandemic sa panawagan nitong makapag-operate ng 100% capacity ang mga shopping malls at iba pang mga negosyo sa mga lugar sa ilalim ng general community quarantine (GCQ).

Imahe mula sa One news

Sa kanyang panukala, sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez na ang mga negosyong nag-o-operate ng 50% ay payagang makapag-full operation.

“Ngayon isina-suggest natin pwede nang i-100%. Anyway ito ‘yung mga safe na mga trabaho at wala tayong nakikitang transmission dito dahil mahigpit pa rin ang minimum health standard enforcement natin,” pahayag ni Trade Secretary Ramon Lopez sa isang panayam.

Kabilang sa mga negosyong nais ng DTI na payagan ang 100% operating capacity ay ang financial services tulad ng money exchange, insurance, lending companies at pension funding.

Kasama rin ang legal and accounting; management consultancy; architecture and engineering activities; science and research and development; advertising; market research; aomputer programming; publishing and printing; film, music, and TV production; recruitment and placement agencies para sa overseas employment, photography services; fashion, industrial, graphic, at interior design; at ang wholesale and retail trade ng motor vehicles.

Imahe mula sa Fisher Mall

Ipo-propose din ni Sec. Lopez na ang mga tindahan sa loob ng mga shopping malls na dating nag-o-operate ng 50% capacity tulad ng hardware, clothings at bookstore ay payagan na ring mag-operate ng 100% capacity.

“Mga tindahan sa mall na dati naka 50%…hardware, clothing, bookstore, etc. So, lahat ng nasa mall na ni-limit ng 50% puwede na ring mag-operate ng 100%,” anang kalihim.

Layunin ng kanyang panukala na dumami ang mga manggagawang makapasok sa trabaho para sa lalong pagpapasigla ng ekonomiya.

Nauna nang hiniling ni Sec. Lopez na iksian o kaya ay tuluyan nang alisin ang curfew hours upang humaba ang operating hours ng mga restaurant at iba pang food establishments na may dine-in services.

Imahe mula sa One News

Loading…