13-anyos na bata nagtitinda ng lumpiang shanghai, inspirasyon ang dala

Image by Victor Pring via Facebook
  • Batang trese anyos, naglalako ng fresh lumpiang shanghai gamit ang bisikleta
  • Nag-trending ang kanyang kuwento at nagbibigay ngayon ng inspirasyon online
  • Hindi nito tinanggap ang alok na pera ng netizen, sabi niya’y suportahan na lamang ang kanyang business

Ilang taon ka nang magsimulang tumulong sa pamilya at kumita ng pera? Inspirasyon at paghanga ang dala online ng trese anyos na bata na naglalako ng fresh lumpiang shanghai gamit ang kanyang bisikleta.

Image by Victor Pring via Facebook

Makikita sa Facebook post ni Victory Pring ang batang naka-suot ng orange shirt. Sa likod ng kanyang bisikleta ay mayroong styro box na siyang pinaglalagyan nito ng mga paninda na nagkakahalaga ng P50.00 kada pack.

“While I was doing store visitation, this kid came up to me selling fresh lumpiang shanghai, 50 pesos/pack. I offered to give him money but he insisted that I support his business,” ang pahayag ni Pring.

Saad pa ng netizen, 13 din ang edad niya nang nagsimulang magtrabaho kaya’t naalala niya rito ang nakababatang Victory Pring na punung-puno ng pagsusumikap at lakas ng loob.

“The boy is 13y/o exactly same age when I started to work. Gave him mask, meds & face shield. Boy reminded me of the kid VP, pure hustle and grit. Have a blessed week, God bless.”

Makikita naman sa Facebook account ni Pring ang mga tagumpay na nakamit kagaya ng pagtatrabaho sa isang radio station at pagtatayo ng mga kompanya kagaya ng TakoBrosPH.

Image by Victor Pring via Facebook

Kagyat ding nag-trending ang kuwento ng bata. Komento ng isang netizen, “Poging bata! Malayo mararating niyan. Liit palang me paninindigan na.”

Saad naman ng isa pa, “A pure inspiration.”

Habang ang ilang mga batang nasa edad na 13 ay maaaring busy sa kalalaro ng kanilang mga gadgets ngayong panahon ng pandemya, pansinin natin ito, nagsusumikap at tumutulong sa pamilya.

Image by Victor Pring via Facebook
Source :

Facebook

Loading…