2-anyos na bata humarang sa pinto upang ‘di makalabas ng bahay ang lola dahil sa COVID-19

Screenshot mula sa SONA video
  • Isang 2-year-old na batang lalaki kinatuwaan ng mga netizens
  • Sa murang edad ay tila nauunawan na raw ng paslit ang pag-iingat
  • Sa video, makikita ang paslit na hinarangan ang pinto upang hindi makalabas ang lola kahit may quarantine pass

Kinaaliwan ng mga social media users ang isang dalawang taong gulang na batang lalaki sa ginawa nitong pagharang sa pintuan upang hindi makalabas ang kanyang lola. Sa murang edad kasi ay tila naiintindihan na nito ang kahalagahan ng pag-iingat upang hindi dapuan ng karamdaman.

Screenshot mula sa SONA video

Sa video na ibinahagi ng State of the Nation ng GMA, maririnig ang tinig na nagsasabing lalabas ng bahay ang lola, ngunit hindi pumayag ang bata.

“Lalabas na si mama,” ayon sa tinig.

“Huwag po,” ang mariin namang tugon ng paslit.

Ayon sa lola, sinabihan raw siya ng apo na mahuhuli siya ng barangay kapag lumabas.

Kahit sinabi ng lola na may quarantine pass naman siya galing sa barangay ay hindi pa rin natinag ang bata. Sabi ng bata ay pulis naman ang huhuli sa lola, na kailangan palang magtungo sa barangay hall upang kumuha ng working pass.

Ang batang paslit ay palagi raw nilang sinasabihang bawal lumabas ang mga bata at matatanda dahil sa COVID-19 pandemic kaya ganoon na lang ang pagbabawal nito sa kanyang lola na lumabas ng bahay.

Mabuti pa raw ang maliit na bata at nauunawaan ang pag-iingat sa sarili, sabi ng mga netizens.

Screenshot mula sa SONA video

“Buti pa 2 years old nakaintindi. Yung ibang may edad na ay ewan ko lang.”

“ Hahaha nakakatuwa naman naintindihan n’ya na ang salitang bawal lumabas.”

“Talinong bata nakakaintindi na ng bawal at marunong sumonod.”

“Mas matalino pa ang bata kesa ibang matitigas ang ulo diyan.”

Loading…