3 Chinese POGO workers huli sa tangkang panunuhol ng P800K sa empleyado ng DFA Lucena

Screenshot mula sa YT video ng GMA News
  • Natiklo ang tatlong Chinese na nagtangkang manuhol para makakuha ng passport gamit ang mga pekeng dokumento
  • Nasa P800,000 ang inalok na suhol ng Chinese para sa dalawang pasaporte
  • Pinapurihan naman ng DFA ang ginawang pagsumbong ng kawani ng kanilang opisina sa Lucena

Sa kalaboso ang bagsak ng tatlong Chinese nationals, na pawang mga POGO workers, na nagtangkang suhulan ang empleyedo ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Lucena City para makakuha ng passport gamit ang mga pekeng dokumento.

Ayon sa DFA, nakipagtulungan sila sa mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) upang maaresto ang tatlong banyaga nitong Biyernes ng umaga, Setyembre 18.

Screenshot mula sa YT video ng GMA News

Base sa ulat ng GMA News, lumapit ang isang Chinese sa isang empleyado ng DFA sa Lucena at nag-alok na magbibigay ng P400,000 kada isang passport na makukuha nila gamit ang pekeng papeles.

Kaagad namang ipinagbigay-alam ng naturang empleyado ang insidente sa pamunuan ng kanilang opisina na siya namang nakipag-ugnayan sa NBI sa lungsod para ikasa ang entrapment operation.

Bumalik umano nitong Biyernes ang Chinese national na nakilalang si Chaoyu Su kasama ang mag-asawang Intsik na nakilalang sina Jiewu Pan at Cuiyi Lian.

Nakipagkita muna sa parking lot si Su sa nabanggit na empleyado upang ibigay ang kabayarang P800,000 at dito na sila sinunggaban ng mga elemento ng NBI. Kaagad naaresto si Su pati na ang mag-asawa na kukunan sana niya ng pasaporte.

Screenshot mula sa Facebook-DFA

Pinuri naman ng DFA ang ginawa ng kanilang empleyado sa Lucena.

“We commend the sharpness of the CO Lucena staff in immediately identifying the spurious documents presented by these foreign nationals. We are also immensely proud that our consular staff are wholeheartedly dedicated to public service: they were not persuaded by threats or enticed by bribes. They followed the law to the letter and immediately coordinated with NBI to apprehend these individuals,” ayon kay Foreign Affairs Assistant Secretary for Consular Affairs Neil Frank R. Ferrer said.

Tiniyak din ng kagawaran na patuloy silang magiging aktibo para mahuli ang sinumang magtangkang gumamit ng mga pekeng papeles sa pagkuha ng pasaporte.

“The Department of Foreign Affairs continues to be vigilant against any and all forms of passport irregularities. We will ensure that these kinds of transgressions and illegal acts will not go unpunished,” pahayag ng DFA.

Loading…