4 na bulkan inoobserbahan ng Phivolcs dahil sa ‘abnormal’ na aktibidad

Bulkang Mayon at Bulkang Taal| Imahe mula sa Wikipedia
  • Apat na aktibong bulkan sa bansa ang kasalukuyang inoobserbahan ngayon dahil sa abnormal behavior
  • Ito ay ang mga bulkang Taal, Mayon, Bulusan at Kanlaon, ayon sa Phivolcs
  • Nag-aalala rin ang Phivolcs dahil binawasan ang kanilang budget para sa susunod na taon

Apat na aktibong bulkan sa bansa ang kasalukuyang inoobserbahan ngayon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) dahil umano sa abnormal na aktibidad nitong nagdaang mga araw.

Sa  ginawang pagdinig sa budget ng Department of Science and Technology’s (DOST) sa Senado, sinabi ni Phivolcs Director at DOST Undersecretary Renato Solidum na ang apat na bulkang ito ay ang Taal sa Batangas, Mayon sa Albay, Bulusan sa Sorsogon at Kanlaon sa Negros Island.

Mt. Bulusan, Sorsogon Province| Imahe mula sa Volcano Discovery

Ang Bulkang Taal, na huling nag-alburoto nitong Enero, ay nagpakita umano ng panibagong aktibidad dahil sa pressure habang ang Mayon naman ay may nakitang paglapad ng paanan nito, ayon kay Solidum.

“At alert level 1, all the aforementioned volcanoes earlier can actually have a steam-driven explosion,” paliwanag ng opisyal.

“Meaning po, ‘yung mga maiinit na magma can actually boil up the water and cause the explosion. And then people should not go inside their danger zones. Kasama po sa Taal Volcano Island ang bawal,” wika pa ni Solidum.

Mt. Kanlaon, Negros Island| Imahe mula sa Volcano Discovery

Sa naturang budget hearing, nagpahayag din ng pagkabahala si Solidum dahil hindi naaprubahan ang panukalang P133-M budget ng Phivolcs para sa susunod na taon. Ganunpaman, hindi umano nito maapektuhan ang kanilang trabaho bagama’t may epekto ito sa kanilang IT system at modernization ng kanilang kagamitan.

“As you know, many of the monitoring systems now are directly supported by IT. Even if you have sensors, these will be operated and maintained and operated by IT equipment and those were taken away,” ayon kay Solidum.

Bukod dito, maaaring hindi rin daw matuloy ang kanilang pagsasaayos ng tsunami awareness at community resilience program na siyang direktang naapektuhan ng budget cut.

Loading…