40 pasaherong sakay ng eroplano galing Manila nagpositibo sa COVID pagdating sa Davao

Imahe mula sa Minda News
  • Nagpositibo sa COVID-19 ang 40 na pasaherong sakay ng eroplano na dumating sa Davao City
  • Galing Maynila ang nasabing biyahe at lumapag ito sa lungsod noong Setyembre 21
  • Kasalukuyan nang minomonitor ng pamahalaang-lungsod ang mga pasaherong nabanggit

Nagpositibo sa coronavirus ang 40 pasahero na sakay ng eroplano mula sa Manila at bumiyahe patungong Davao City, ayon kay Mayor Sara Duterte-Carpio.

Sa panayam ng  Davao City Disaster Radio sa alkalde, kinumpirma nito na lumapag ang nabanggit na flight sa Davao City noong Setyembre 21 subalit hindi umano nadetect ang mga pasahero sa thermal scanner ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Imahe mula sa PNA

“Manila gikan ang flight possibly asymptomatic na sila kay didto sa Manila naa man symptom checking. Naa manay thermal scanner. So the fact nga nkacheck-in sila nakaagi sila sa mga symptom checking, scanner asymptomatic sila,” ani Mayor Sara.

Ito umano ang dahilan kung bakit dapat ipatupad ang swab testing gamit ang transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) para sa mga pasahero upang malaman kaaagad ang resulta at mapaikli ang kanilang exposure sa mga nagpositibo pagdating sa airport.

“One of the things we are addressing right now is the arrival of several confirmed RT-PCR cases through plane travel. Lately, many positive cases are arriving. We have seen, from the very start, that allowing plane travel will be a problem. The plane travel could spread COVID-19 virus very fast, so we did a ‘test and wait.’ That’s our intervention,” paliwanag pa ng alkalde.

Imahe mula sa PIA

Dagdag pa ni Mayor Sara, gagamit na umano sila ng QR codes para sa mga pasaherong lalapag sa airport ng lungsod.

“May test run from Oct. 7-11, then mandatory na siya by October 12,” wika ng alkalde.

Sa kasulukuyan, minomonitor na ng pamahalaang lungsod ang 40 pasahero na nagpositibo.

Loading…