73,000 OFWs at kanilang mga dependents nag-enrol sa training programs ng TESDA

  • Maraming OFW ang nag-enrol sa TESDA
  • Magagamit nila ito upang makakuha ng mas maraming oportunidad at trabaho
  • May “TESDA Abot Lahat ang OFWs” din sila

Tinatayang 73,000 Overseas Filipino Workers o OFWs at kanilang mga dependents ang nag-enrol upang matuto ng iba’t ibang mga kasanayang ituturo sa ilalim ng mga training programs ng Technical Education and Skills Development Authority’s (TESDA), ayon sa kalihim nito na si Secretary Isidro Lapeña noong Martes, Setyembre 15, 2020.

Ayon sa TESDA, 71,251 sa kanila ang pumili sa online program habang ang iba naman ay aktuwal na scholarship programs, sa kabila ng pandemya. Magagamit kasi ang mga kasanayang matututuhan dito upang makahanap ng trabaho o pangkabuhayan.

Public Domain Image

Most in-demand jobs daw ngayon ang mga may kinalaman sa agrikultura, construction, health and wellness, Information Technology and Business Process Management (IT-BPM), at marketing. Dahil sa pandemya, prayoridad umano nila ang agrikultura upang matugunan ang pangangailangan sa food security.

“We give focus to these fields that would likely give more employment opportunities to our countrymen during this time,” giit ng kalihim.

Dagdag pa niya, inilunsad nila ang “TESDA Abot Lahat ang OFWs” noong Hunyo.

“The program provides easy access to TESDA training programs, by providing the OFWs and their dependents with a link on TESDA mobile app. Through this link, the OFWs and their dependents can easily fill out the registration form,” paliwanag ni Lapeña.

May OFW desk daw na inilaan ang mga regional at provincial offices upang makapagbigay ng assistance para sa mga OFW na nagnanais na mag-enrol sa TESDA.

Public Domain Image

Ginagawa raw ng TESDA ang lahat ng kanilang makakaya upang makipag-ugnayan sa mga OFW community at mahikayat pa ang iba na mag-enrol sa kanilang mga training program, na tiyak daw na magagamit nila kahit matapos na ang pandemya.

Ang mga trainees at scholars, na dumadalo sa kanilang blended learning o online class ay nakatatanggap ng 160 training allowance, 500 internet allowance, 500 health/personal protective equipment allowance, at one-year accident allowance.

Loading…