76-anyos na lolang vlogger patok sa mga netizens

Screenshot mula sa vlog ni Lola Wending
  • Itinampok sa KMJS ang isang senior citizen Visayan vlogger na patok sa mga netizens
  • Nag-change career ang lolang dating labandera at manghihilot dahil hindi makalabas ng bahay sanhi ng community quarantine
  • Umaani ng libo-libong views ang mga vlogs ni Lola Wending kaya kumikita na rin siya sa bagong career na pinasok

Ang 76 years old na lola mula sa Davao Del Norte na yata ang pinakasikat ngayong Visayan vlogger na senior citizen. Sa loob lang ng apat na buwan ay may mahigit 158,000 subscribers na ang YouTube channel niya.

Screenshot mula sa vlog ni Lola Wending

Si Wendelina “Lola Wending” Valenzuela ay nagsimulang mag-vlog noon  lang buwan ng Abril. Kilala siya sa kanilang lugar sa Talaingod bilang labandera at manghihilot, subalit dahil sa mga restriksyon ng community quarantine sanhi ng pandemya ay bawal nang lumabas ng bahay ang mga matatandang katulad niya.

“Hindi naman ako makakalabas. Bawal naman ang senior citizen na lumabas,” sabi ni Lola Wending.

Ang apong si Irven ang nakaisip na gawing vlogger ang kanyang lola upang hindi ito mainip sa bahay. Para rin daw sa kasiyahan ng kanilang mga kababayan na walang masyadong pinagkakaabalahan dahil sa lockdown kaya naisip niyang gawing “artista” sa vlog si Lola Wending.

Hindi naman nagkamali si Irven dahil agad pumatok sa mga netizens ang mga hirit ng lola sa kanyang mga video. Sa katunayan ay maraming followers si Lola Wending na nagpapadala ng tulong sa kanilang pamilya.

Screenshot mula sa KMJS video

Ipinakita ni lola vlogger ang ipinatatayong bahay na ang ilan sa mga materyales ay bigay raw ng mga subscribers niya.

Ibinulgar din ni Lola Wending ang sikreto niya sa pagba-vlog. Aniya, tumatagay muna siya bago mag-shoot para maging madaldal.

“Mag-shot muna ako para mapabilis ang kuwento ko,” aniya sa wikang Bisaya.

Screenshot mula sa KMJS video

Kandidato na si Lola Wending na makatanggap ng Silver Play Button na ibinibigay ng YouTube sa mga vloggers na mayroon nang 100,000 subscribers.

Nagsimula na rin siyang kumita sa ginagawang vlogs dahil libo-libo ang mga nakukuhang views ng bawat video niya.

Screenshot mula sa KMJS video

Tara na’t silipin kung bakit nga ba pumatok si Lola!

Nakatutuwang isipin na hindi na kailangang maglaba ulit ni Lola Wending dahil ang kanyang humor at magandang disposisyon, naghatid na sa kanya ng bagong pagkakakitaan habang nagbibigay siya ng saya. Good vibes lang!

Tara na’t mag-subscribe kay Lola Wending. Nakatulong ka na, sasaya ka pa! Just click the image below para mapanood ang kanyang videos.

Loading…