‘A honeymoon with God’: Carmi Martin nakarekober na sa COVID-19

Imahe mula sa Facebook ni Carmi Martin
  • Nakarekober na mula sa COVID-19 ang aktres na si Carmi Martin
  • Dalawang linggo umano siyang naka-quarantine simula noong Setyembre 13
  • Malaki naman ang pasasalamat niya dahil mas lalo umano siyang napalapit sa Diyos nang mga oras na ‘yun

Ibinahagi ni Carmi Martin ang kaniyang pinagdaanan matapos magpositibo sa coronavirus mahigit dalawang linggo na ang nakararaan.

Sa kaniyang Facebook post nitong Lunes, ikinuwento ng beterenang aktres na Setyembre 13 siya sumailalim sa swab test dahil kailangan umano ito para sa ginagawa nilang digital series ng Star Cinema.

Imahe mula sa Facebook ni Carmi Martin

Kinabukasan ay nakuha naman kaagad niya ang resulta at nalamang positibo siya sa COVID-19. Dismayado umano si Carmi dahil wala naman siyang nararamdamang sintomas maliban sa pagtaas ng kaniyang blood pressure (BP).

Bukod dito, hindi natuloy ang kaniyang project na excited pa naman sana siyang gawin. Ngunit sa kabila nito, mayroon naman umanong magandang nangyari habang siya’y nasa quarantine at ito ay mas lalo siyang napalapit sa Diyos.

“The 2 week quarantine became A HONEYMOON WITH GOD. I spent each day with prayers and praying for others , singing beautiful songs for our Lord and listening to excellent preachings each day,” bahagi ni Carmi.

Screenshot mula sa Facebook ni Carmi Martin

Aniya, malaking bagay din ang positibo ang pananaw mo kahit na mayroon kang pinagdadaanan.

“Having a Positive attitude, exercising and eating healthy food specially prepared by @gourmadebychefroblau made me recover well,” wika pa niya.

Nagpasalamat din ang batikang aktres sa mga kaibigang sumuporta sa kaniya tulad ng kapwa artista na sina Coney Reyes, Gladys Reyes at Minnie Aguilar, at ganun din sa mga doctor, nurses at staff ng Makati Frienship Suites Facility.

Imahe mula sa Facebook ni Carmi Martin

Pinasalamatan din ng aktres ang ABS-CBN medical team na umano’y inalagaan siya at hindi siya pinabayaan.

“Panginoong Diyos Salamat sa pagkakataon na mas lalo akong manalig sa iyo at maging blessing sa ibang tao na may mga pinagdadaang sa panahon ng Covid,” ayon pa kay Carmi.

“My 2 week quarantine was so precious because spending time with GOD will always be the BEST! PRAISE GOD for I am now Covid free!” pagtatapos ng kaniyang post.

Loading…