Abogado ni Pemberton nasurpresa din sa iginawad na ‘absolute pardon’ ni Pangulong Duterte

Imahe mula sa Facebook
  • Nagulat rin daw ang kampo ni Pemberton sa ‘absolute pardon’ ng Pangulo
  • Hindi raw nila ito inaasahan sapagkat hindi naman sila nag-apply nito
  • Wala rin daw itong kinalaman sa anumang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos

Inamin ng kampo ni US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton na maging sila ay nasurpresa sa ipinagkaloob na ‘absolute pardon’ ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanilang kliyente.

Sa panayam ng ANC Headstart kay Atty. Rowena Flores, sinabi ng abugado na hindi nila inaasahan ang ginawa ng presidente lalo pa’t hindi naman personal na nag-apply ng pardon si Pemberton.

Screenshot mula sa YT video ng ANC Headstart

“I didn’t know that any was forthcoming or that anybody filed an application for pardon in his behalf,” ani Flores.

Katunayan umano, nalaman lamang nila ang ‘absolute pardon’ mula sa mga ulat sa media. Itinanggi rin ng abugado kung may kinalaman ito sa posibleng kasunduan sa pagitan ng Manila at Washington.

Gayunpaman, masayang-masaya umano ang kaniyang kliyente matapos malaman ang pinakabagong development sa kaniyang kaso.

“He’s like a sort of teenager when it comes to talking and he wouldn’t really tell you long sentences and he wouldn’t discuss in details his emotions, but I could hear that he’s very happy from his voice,” kuwento pa ng abugado.

Sa isang tweet nitong Lunes, nagulat ang karamihan matapos ibahagi ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr. na ginawaran ng Pangulo ng ‘absolute pardon’ ang US serviceman.

Imahe mula sa MSN

“Cutting matters short over what constitutes time served, and since where he was detained was not in the prisoner’s control—and to do justice—the President has granted an absolute pardon to Pemberton. Here at the Palace,” anang tweet ni Locsin.

Samantala, nilinaw naman ng dating abugado ng pamilya Laude at ngayon ay tagapagsalita ng Palasyo na si Atty. Harry Roque na ang parusa lamang ni Pemberton ang natanggal subalit hindi ang kaniyang kasalanan.

Loading…