Alessandra De Rossi nagbigay ng komento hinggil sa pagpapaganda ng Manila Bay

  • May pabirong komento si Alessandra De Rossi sa kaniyang Twitter account hinggil sa beautification project ng DENR sa Manila Bay
  • Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens
  • Kamakailan ay nagtambak ng artipisyal na white sand na gawa umano sa crushed dolomite rock

Kilala ang mahusay na aktres na si Alessandra De Rossi bilang tapat at “straight forward” na tao; isa sa mga dahilan kung bakit marami rin ang humahanga sa kaniya. Kamakailan, hindi napigilan ni Alex na magbigay ng komento hinggil sa hakbang ng Department of Environment and Natural Resources o DENR na pagandahin ang Manila Bay sa pamamagitan ng pagtatambak ng artipisyal na white sand, kagaya sa Boracay beach.

Ayon sa kaniyang patutsada sa Twitter post noong Setyembre 6, 2020, “Pakibilis-bilisan naman ang paglatag ng white sand sa Manila Bay para sa mental health ng lahat. Baka sakaling wala nang magutom dahil busog na sa view. #ayudaparamasa.”

Imahe mula sa Twitter account ni Alessandra De Rossi

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens. May mga sumang-ayon at pumanig sa aktres, subalit may ilan ding binatikos pa siya at sinabihang “walang alam.”

“Tama… mas inuuna pa ang pagpapaganda ng Manila Bay kaysa unahin ang kapakanan ng lahat, lalo na yung mga nawalan ng trabaho dahil sa pandemya. Wala na ngang ayuda eh,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Tinamaan ng magaling… lalabas lang kayo kapag meron kayong gustong batikusin sa ginagawa ng gobyerno… eh kung kayo ba naman na talagang hangad ang kabutihan ng mamamayan, mag-fund raising kayo, gumawa kayo ng mga proyekto na makakatulong sa tao, panay hintay lang kayo ng bagay na puwede ninyo pulaan eh.”

“So ire-align  dapat lahat ng budget for ayuda? Hello… projects for this year are already approved last year. Basa-basa rin po kasi. May kaniya-kaniyang budget po iyan,” wika naman ng isa. ‘

Sa isa namang hiwalay na Twitter post, sinagot ni Alex ang mga netizens na “nasaling” at pumupuna sa kaniyang sinabi.

“Sorry kung mali ang dating no’n. Joke lang naman ‘yun. Smiling face with open mouth and cold sweat. As if naman my opinion would matter, eh wala naman ako sa puwesto to decide. Tama naman, bayan muna, bago sarili! I support Manila Bay!” ani Alex.

Public Domain Image

Ikaw, sumasang-ayon ka ba sa hakbang na ito ng DENR sa Manila Bay sa panahon ngayon ng pandemya?

Loading…