Alex Gonzaga emosyonal sa pagiging bagong SM endorser

Imahe mula sa Instagram | Alex Gonzaga
  • Pangarap lamang noon ni Alex Gonzaga na magkaroon ng billboard sa isang sikat na shopping mall
  • Noon daw ay tinanggap niyang imposible itong mangyari
  • Ngunit napagtanto niya raw na nakikinig sa mga dasal ang Panginoon at kailangan lamang magtiwala sa Kaniyang tamang oras

Answered prayer para sa aktres at vlogger na si Alex Gonzaga ang maging bagong endorser ng SM.

Imahe mula sa Facebook | Alex Gonzaga

Sa isang emosyonal na post sa Instagram ay pansamantalang nag-pause sa kaniyang makulit at bubbly na personality si Alex upang ibahagi na tinanggap niya na noon na imposible ang maging endorser ng sikat na shopping mall.

“Baka kahit sa list ng pagpipiliang endorsers, hindi pa ako makasama,” aniya.

Sanay na rin daw siya na makilala lamang bilang kapatid ng kaniyang ateng si Toni Gonzaga na isa ring aktres at host. “I already accepted the fact that if doon ako maaalala, that would be fine.”

Ngunit ipinakita raw sa kaniya ng Panginoon na walang imposible kung magtitiwala lamang sa Kaniya at sa tamang timing.

“When I was shooting, I felt that God talked to me. Naramdaman ko na sinabi Niya while I was posing and pina-hold nila yung SM shopping bags na ‘Ayan, sabi ko sa’yo I will be with you and I will never leave and forsake you,'” ani Alex.

Imahe mula sa Facebook

Halos hindi niya raw mapigilan ang kaniyang luha noon lalo na at naalala niya ang hindi na mabilang na pagkakataon na hindi siya pinili.

“I was so used to losing and being rejected that when God is already blessing me, hindi ko na maaalala at maiisip na isa ‘yon sa pinagdasal ko,” sabi pa niya. “Mas nakinig ako sa sinasabi ng mundo na hindi puwedeng mangyari ‘yon sa akin.”

Dahil dito ay natutuhan daw ni Alex na huwag sumuko sa mga pangarap.

“Whoever is reading this, I just want to let you know that God is listening. His blessings and plans are on the way. He has not forgotten about you. Madalas akala natin wala nang pag-asa at imposibleng mangyari pero His ways are higher and He has plans for you.”

 

 

 

Source :

Instagram

Loading…