‘Ama’ ni John Regala na si Mel Francisco inilahad ang masalimuot na ugnayan nila ng aktor

Imahe mula sa PEP
  • Kinikilalang ama ni John Regala nagsalita na
  • Nagpa-interview ang dating aktor na si Mel Francisco upang bigyang-linaw ang kontrobersyang bumabalot sa kanila ni John
  • Itinanggi ni Mel na siya ang ama ni John Regala

Taliwas sa inaakala ng marami na wala nang ama ang dating action star na si John Regala, dahil sa palagi niyang binabanggit na ‘ulilang lubos’ na siya, napag-alaman na malakas na malakas pa na lumantad ang kinilala niyang ama na si Mel Francisco.

Imahe mula sa PEP

Si Mel, 76 years old na at nakabase sa Laguna, ay dati ring aktor noong 1960s. Kabilang siya sa angkan ng mga Padilla na kilala sa showbiz. Matagal na siyang wala sa limelight, subalit bigla siyang humarap sa isang panayam upang ilahad ang kanyang panig sa isyu ng pagiging “ama” niya kay John Regala.

Sa interview sa kanya ng PEP, pinabulaanan niya na siya ang ama ng aktor.

“I stand to correct you. Hindi naman ako ang ama ni John Regala. I’m supposed to be ‘yung kini-claim niya na ako ang father niya. Kaso ‘yun ang nakagisnan niya noong araw, na ako ang tatay niya. Iyan ‘ata ang sinabi ng nanay niya, which masyado ako naguluhan,” sabi pa ng dating character actor.

Nagulat daw siya nang nang ipakilala ng dati niyang nobyang si Ruby Regala si John bilang anak niya.

“Si John Regala, sinasabi niya dine-deny ko siya. Pero hindi ko siya nakita noong ipinanganak. Hindi ko nakitang nabuntis ‘yung nanay niya,” paliwanag ni Mel.

Imahe mula kay Mel Francisco

Sabi pa niya, “Bigla na lang noong malaki na siya, noong nasa “That’s Entertainment” siya, nag-aartista na siya, doon lumabas ‘yung mga kontrobersya. Ni hindi ko alam na nagkaroon ng John Regala. Nalaman ko na lang na John Regala ‘yan when he entered showbiz.”

“He’s not even my son. Never ever naging anak ko siya,” mariing sabi ng dating aktor.

Marami raw ang tumuligsa sa kanya dahil itinatanggi niya na anak si John. Aniya, habang sumisikat si John ay siya naman ang lumulubog dahil sa kontrobersya. Kaya humingi raw siya noon ng tulong kay Inday Badiday.

Imahe mula sa Facebook

Ang payo umano ni Inday Badiday ay aminin niya sa telebisyon, sa harap ng publiko, na anak niya si John Regala para matigil na ang mga usap-usapan. Ganoon nga ang ginawa niya. Nagharap sila ni John sa programa ni Inday Badiday at nagyakapan pa silang “mag-ama.”

Totoo nga, natigil na ang mga usap-usapan pagkatapos ng paghaharap nila. Natapos na ang kontrobersya.

Sa naturang kontrobersya daw  na iyon nagsimulang sumikat si John Regala.

Nilinaw ni Mel ang dahilan ng paglitaw niya ngayon. Nadadamay raw kasi siya sa mga ginagawa ni John.

“The end. Period. He’s done. ‘Yung pagsuko ko ngayon, kasi tama na. Gusto ko lang matapos na. Kung maaari burahin niya na last name ko na Scherrer. Huwag na niya gamitin. Tanggalin na niya,” sabi pa ni Mel.

Imahe mula sa PEP

Adolfo Padilla Scherrer, Jr. ang tunay na pangalan ni Mel, subalit sa mga legal documents ay ang screen name niyang Mel Perez Francisco ang ginagamit niya.

Ang tunay na pangalan naman ni John Regala ay John Paul Guido Boucher Scherrer.

Source :

PEP, LionhearTV

Loading…