Amy Perez, hanga sa mga kasambahay matapos maranasang maging housewife

Amy Perez
Imahe mula sa Instagram | Amy Perez
  • Saludo ang Kapamilya host na si Amy Perez sa mga kasambahay at housewife
  • Pangarap niya noong maging housewife ngunit nang maranasan niyang mamalagi sa bahay dahil sa quarantine ay napagtanto niyang mahirap pala ito
  • Aniya, matinding pasensya at dedikasyon ang kailangan ng mga ito dahil sa dami ng gawain

Pangarap noon ng Kapamilya host na si Amy Perez na maging isang housewife ngunit iba ang naging plano para sa kaniya ng tadhana.

Amy Perez
Imahe mula sa Instagram | Amy Perez

Hindi niya inaasahan na mararanasan niya rin ito nang magsimula ang pandemya anim na buwan na ang nakalilipas.

“When it happened during the start of our quarantine, akala ko kaya ko. Pero nung tumagal, parang masisira ang ulo ko. Ang hirap palang maging housewife,” sabi ni Amy sa isang Instagram post.

Ngayon niya lang daw napagtanto na kailangan pala ng matinding pasensiya ng mga kasambahay at housewife kaya naman mataas ang respeto niya sa mga ito.

“As in major SUPER TAO dapat ang level of skills mo at pasensiya. Ang daming ginagawa. Hindi ka pa tapos sa una, may kasunod na agad. Talagang iba ‘yong sacrifice at dedikasyon na kailangan kaya saludo ako sa lahat ng housewives, househusbands, kasambahay, at lahat ng taong bahay.”

Amy Perez
Imahe mula sa Instagram | Amy Perez

Binalikan niya rin ang kaniyang kabataan dahil mas nauunawaan niya na kung bakit mabilis uminit ang ulo ng kaniyang ina. “Ngayon gets ko na si Mamadal ko kung bakit nung bata ako, ang init ng ulo niya e humihingi lang naman ako ng P20 na baon,” pagbabalik-tanaw niya.

Paalala niya sa mga anak, huwag kalimutang ipakita sa kanilang mga magulang ang pagpapahalaga sa mga ito.

“Kaya kayo mga bata, kahit hindi mother’s day o father’s day, learn to appreciate your parents and obey them,” sabi pa ni Amy.

Sa kabila ng natuklasang hirap sa pagiging isang housewife, masaya raw si Amy dahil naipakikita niya sa kaniyang pamilya ang kaniyang love language.

Source :

Instagram

Loading…