“And so the end is near”: Nikki Valdez pinatutsadahan si Solicitor General Jose Calida

  • Humirit ng pabirong pasaring ang Kapamilya actress na si Nikki Valdez laban kay Solicitor General Jose Calida
  • Ginamit niya ang linyang “and so the end is near” sa awiting “My Way” ni Frank Sinatra
  • Nauna na itong ginamit ng SolGen laban sa ABS-CBN sa kasagsagan ng Congressional hearing para sa franchise renewal nito

Pinatutsadahan ng Kapamilya actress na si Nikki Valdez si Solicitor General (SolGen) Jose Calida dahil sa balitang naiuugnay hinggil sa kaniya, na may kinalaman sa ‘di pagpapasa ng mga dokumento ng liquidation para sa mga nagastos ng opisina niya sa mga local at international travel nito.

Sa pamamagitan ng kaniyang Twitter post, pabirong ginaya ni Nikki ang paggamit ni Calida sa isa sa mga linya ng pamosong awiting “My Way” ni Frank Sinatra na “and so the end is near,” na ginamit ng SolGen sa isa sa kaniyang mga talumpati kaugnay ng pagdinig ng Kamara sa ABS-CBN franchise renewal.

Imahe mula sa Twitter account ni Nikki Valdez

“Let us all sing… ‘and now the end is near…’ Char!” ayon sa tweet ng aktres.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens.

“And now the end is near! Ikaw naman ngayon Calida ang pagtatatawanan namin ngayon. Grabe, mapagsamantala sa puwesto, akala mo naman ubod-linis,” sabi ng isa.

Pagtatangol naman ng isa kay SolGen Calida.,”Ano na naman ang itinatahol-tahol mo, Nikki? Shut up na, shut down na nga, hindi ba? Trabaho niya ang ginawa niya, walang personalan.”

“Wondering what this so-called Solicitor General has done to help the country in this time of pandemic. Hmmmmm, yeah! Adding pressure to NTC. 11,000 employees, some of them already lose their jobs. Isa ka nga talagang kagalang-galang, Calida! Dapat ka nang kalusin,” turan naman ng isa.

Ayon sa Commission on Audit, hindi nagpadala ng mga supporting documents ang opisina ng SolGen para sa liquidation ng mga local at international travels nito na tinatayang aabot sa 1.16 milyong piso.

Public Domain Image

“The grant and liquidation of cash advances amounting to 1,169,121.61 pesos for local and foreign travels were not supported with the requisite documents,” ayon sa COA.

Wala pa namang opisyal na pahayag o tugon ang SolGen hinggil dito.

Loading…