“Ang lungkot talaga bigla, grabe”: Alex Gonzaga binigyang-pugay si Lloyd Cadena

Image by Alex Gonzaga via Instagram
  • Presensya pa lamang ni Lloyd Cadena ay nagdadala na ng “joy and sunshine”
  • Ikinabigla ni Alex Gonzaga ang maagang pagyao ng vlogger
  • Alex: “Marami kaming nagmamahal at napasaya mo”

Nasaksihan umano ni Alex Gonzaga na presensya pa lamang ni Lloyd Cadena sa paligid ay kagyat nang nakapagdadala ng “joy and sunshine” kaya’t labis niyang ikinabigla at ikinalungkot ang maagang paglisan nito sa edad na 26.

Image by Alex Gonzaga via Instagram

Pahayag ni Alex sa Twitter, “Nakakabigla parang di totoo…… Rest in Peace Lloyd Cadena.. Sa saglit nating pagsasama sa vlog I witnessed how your mere presence can bring joy and sunshine sa mga tao na nakapaligid sayo .. Marami kaming nagmamahal at napasaya mo.”

Saad pa nito, palagi nilang mami-miss at maaalala na ang tawa ni Lloyd ay nakakapagtawa na rin sa kanila; kasabay nito ang panalangin niya para sa pamilya at mga kaibigan nito.

“Ang lungkot talaga bigla, grabe,” anang dalaga.

Matatandaang nagkaroon ng collaboration sina Lloyd at ang magkapatid na Alex at Toni Gonzaga noong 2018 para sa promo ng MMFF entry na Marry, Marry Me. Sa kasalukuyan ay milyun-milyon na ang views ng output ng kanilang collaboration.

Pagpupugay kay Pinoy Vlogger ‘Kween LC’ Lloyd Cadena

Masasabing isa si Lloyd sa mga institusyon na sa industriya ng vlogging dahil sa palaging trending ang kanyang mga bidyo na kalimitan ay nagpapatawa at naghahatid ng inspirasyon.

Image by Lloyd Cadena via Instagram

Nakapagpalimbag na rin siya ng sariling mga libro at naging DJ at host sa mga programa, pero ang kanyang mga kontribusyon ay magsisilbi na lamang mga alaala matapos niyang mamaalam sa mundo noong September 4, 2020.

“It is with a heavy heart and great sadness that we announce the untimely demise of our beloved brother Lloyd Cafe Cadena.

“May he be remembered for all the joy and laughter he shared with everyone. My family and I ask for your prayers, respect, and privacy during this time,” ang mababasa kanyang social media account.

Image by Lloyd Cadena via Instagram

Family of Lloyd Cadena confirms, shares details of internet star’s last days

Nagbigay ng pasasalamat at update ang pamilya Cadena sa Facebook page nito kaugnay sa mga pangyayari sa mga huling araw ng kanilang minamahal na kaanak.

Lloyd was confined in the hospital on September 1 due to high fever and dry cough. He was tested for COVID-19 on the same day which the result came out positive on September 3. As soon as the result of his swab test came out, our family, including BNT immediately isolated themselves. His vitals were okay and had no complaints. On September 4, 5am he was seen by the staff unresponsive and pale looking. As informed by the doctor, he suffered a heart attack while asleep. He was cremated yesterday and his remains is in our house in Cavite in the meantime.

All expressions of sympathy, including flowers and cards are welcome. You may send them to our address at #14 Scarah, Kaingin Rd., Brgy. Sto. Niño, Parañaque City.

– Cadena Family

Loading…