Angel Locsin: “Huwag kayong mag-alala, babalik si Darna”

  • Naniniwala si Angel Locsin na muling makalilipad si Darna
  • Ito ay matapos makansela na naman ang pelikula dahil naman sa pandemya
  • Si Jane De Leon ang pangatlong Darna na napasahan ng bato, na hindi makalilipad pansamantala

Malaki ang pananalig ng aktres na si Angel Locsin na muling lilipad sa himpapawid ang pinakasikat na Pinay superhero na si “Darna” sa takdang panahon.

Matatandaang isa si Angel sa mga artistang nabigyan ng pagkakataong mapagpasahan ng bato, malunok ito, at maisigaw ang pangalang “Darna!” noong siya ay nasa bakuran ng GMA Network. Nang siya ay lumipat sa ABS-CBN, siya sana ulit ang gaganap dito para sa pelikula, subalit dahil sa fracture sa kaniyang likod, hindi na ito natuloy.

Public Domain Image

Agad namang humanap ng ipapalit sa kaniya ang Star Cinema at ABS-CBN, at ang bato ay naipasa kaagad kay Liza Soberano, subalit nagkaroon naman ito ng problema sa daliri. Muli silang naghanap ng karapat-dapat, at napunta na nga ito kay Jane De Leon.

Subalit sa hindi inaasahang pagkakataon, hindi na naman ito matutuloy dahil naman sa pandemya ng COVID-19, kahit na malaki na ang nagagastos ng management para sa produksyon nito. Tinanggap naman ito nang maluwag sa dibdib ni Jane, na dumaan na sa mga pagsasanay para sa mga fight scenes.

Nakapanghihinayang man, nauunawaan naman umano ni Angel ang naging pasya ng Star Cinema na ipatigil muna ang proyekto hangga’t hindi pa humuhupa ang pandemya.  Ayon sa dalaga, mas makabubuti ito sa lahat ng taong may kinalaman sa proyekto dahil patuloy pa rin ang banta ng pandemya sa bansa.

“Nanghihinayang ako. Sayang kasi ‘yung panahon ngayon, panahon na kailangan natin ng hero. Maganda sana especially sa mga kabataan na meron tayong someone na tinitingala natin. ‘Yung merong makakapagligtas sa atin sa lahat ng mga pinagdadaanan natin. Sayang ‘yung pagkakataon,” ayon kay Angel sa pakikipag-usap niya sa isang Tv at movie writer.

Public Domain Image

“Nariyan na noon pa man. Hindi siya nawawala. Sabi nga nila, ang bato ni Darna, patuloy na nagniningning iyan at pupunta iyan sa taong karapat-dapat. Huwag po kayong mag-alala, babalik si Darna,” dagdag pa ng tinaguriang “real-life Darna” dahil sa ginagawa nitong pagtulong sa mga nangangailangan sa kahit na anomang kalamidad o pinagdaraanan ng bansa.

Samantala, naglabas naman noon ng opisyal na pahayag ang Kapamilya Network na mananatili sa kanila ang rights ng pagsasapelikula ng Darna.

Loading…