Angel Locsin itinangging tatakbo sa Senado: “Mag-ingat sa maling propaganda”

Image by Angel Locsin via Instagram | Image capture from Twitter post by Angel Locsin
  • Pinabulaanan ni Angel Locsin ang bidyong nagsasabing tatakbo siya bilang Senador ng bansa
  • Aniya, “Mag-ingat sa maling propaganda”
  • Sa kanyang mga naunang pahayag ay nasabi ng aktres na wala siyang balak pasukin ang pulitika

“Mag-ingat sa mga maling propaganda.” ‘Yan ang pahayag ng aktres na si Angel Locsin sa kumakalat ngayong video na nagsasabing tatakbo siya bilang Senador ng bansa sa 2020 national election para umano “ituwid ang mali” sa gobyerno.

Saad pa ni Locsin, “Sino ang gumawa at bakit may effort na gawin ito? Mag-ingat at ‘wag magpapaloko.”

Image by Angel Locsin via Facebook

Ibinahagi din ni Locsin ang screenshot ng isang Twitter post na naka-link sa video na may pamagat na, “ANGEL LOCSIN formal Ng Nagpahayag na tumakbo bilang Senador sa ilalim ng LP Coalition.”

Kita sa thumbnail ng video ang kumpulan ng mga tao pero namumukod-tangi ang malalaking larawan ng aktres at ni Pangulong Rodrigo Duterte na tila seryosong nakatitig sa isa’t isa.

Nakasulat pa sa thumbnail ang “Itutuwid ko ang mga mali!!” at “Angel Locsin for Senator.” Nabanggit sa bidyo ang diumano’y pakikipag-usap ni Angel sa mga taga-Liberal Party noong Sept. 16 kaugnay sa kanyang diumano’y nakatakdang pagpasa ng certificate of candidacy.

Matatandaang sa mga naunang pahayag ay nasabi ng aktres na wala siyang intensyong sumali sa pulitika at maging elected official.

“Public servant naman po kami bilang mga artista, e. I think ‘yung buhay naman namin is very public. Lahat naman ‘to ginagawa namin, hindi lang para sa sarili namin, kung ‘di gusto namin magbigay ng entertainment sa mga tao. Pero, politics? Hindi talaga. Sobrang hindi. Wala sa utak ko ‘yun.”

Image capture from Twitter post by Angel Locsin

Maliban sa kagalingan bilang aktres ay kilala rin si Angel bilang pilantropo. Tumulong siya sa mga COVID-19 victims at medical frontliners, pati na rin free mass testing ngayong panahon ng pandemya sampu ng iba pa niyang magagandang inisyatiba.

Tiyahin siya ni former Senatorial candidate Neri Colmenares at isa siya sa mga bokal na nanawagan para pag-renew ng ABS-CBN franchise.

Image by Angel Locsin via Facebook

Loading…