Angelina Jolie nag-donate sa dalawang batang nag-set up ng lemonade stand para sa Yemen crisis

Imahe mula sa Vermillion County First
  • Nagdonate si Angelina sa proyekto ng dalawang bata para sa krisis sa Yemen
  • Noong una ay hindi pa kilala ng mga bata ang aktres at mas excited pa raw ang kanilang mga tatay
  • Bukod sa pera, mayroon ding ipinadalang personalized note ang Hollywood star

Naantig ang puso ni Hollywood actress Angelina Jolie sa ginawa ng dalawang bata mula sa United Kingdom na sinubukang magbigay ng tulong para sa krisis sa Yemen sa abot ng kanilang makakaya.

Sina Ayaan Moosa at Mikaeel Ishaaq na kapwa taga-East London ay nagtayo ng munting lemonade stand sa harap ng kanilang bahay upang makakalap ng perang itutulong sa umiiral na humanitarian crisis sa Yemen.

Screenshot mula sa video ng BBC

Tinawag nilang  “Lemonade for Yemen-Aid” ang kanilang munting proyekto at dito ay nagbebenta sila ng lemonade at mga cupcake. Nais lamang nilang makaipon kahit £100 para maipadala sa mga kapwa nila batang naapektuhan ng giyera at COVID-19 pandemic sa bansa sa Middle East na ngayon ay nahaharap sa matinding gutom.

Dahil naibalita sa iba’t-bang pahayagan, kaagad nag-viral ang kanilang ginawa at dahil dito ay umabot sa mahigit £15,000 ang kanilang natanggap na donation.

Subalit ang hindi nila inaasahan ay ang tulong na magmumula sa isang sikat na artistang si Angelina Jolie na kaagad nagpadala ng donation matapos mabasa sa BBC ang kuwento nina Ayaan at Mikaeel.

Imahe mula sa BBC

Bukod sa pera, mayroon pang personalized note si Angelina para sa dalawang bata.

“Thank you for what you and your friends are doing to help children in Yemen. I am sorry I am not able to buy a lemonade but I’d still like to make a donation to your stand. Love, Angelina” ayon sa note.

Sa simula ay hindi umano kilala nina Ayaan at Mikaeel si Angelina at mas excited pa raw ang kanilang mga tatay matapos mabalitaan ang nangyari.

Nakilala lang daw ng dalawang bata ang aktres matapos nilang mapanood ang mga clips mula sa mga pelikulang pinagbidahan ng ‘Tomb Raider’ at ‘Maleficent’ star.

Imahe mula sa SheKnows

“When we first told them about it we got blank faces back because they had no idea who she was. Now they’re getting the enormity of it all,” kuwento ng nanay ni Ayaan na si Adeela Moosa.

Hindi naman nabanggit pa kung magkano ang ipinadalang donation ni Angelina, na kilala sa pagiging matulungin, subalit medyo may kalakihan umano ito.

Kaagad namang gumawa ng video sina Ayaan at Mikaeel para ipahatid ang kanilang pasasalamat sa Hollywood star.

“If you ever come to London, feel free to buy a glass of fresh lemonade,” wika ng dalawa.

Loading…