Anne Curtis emosyonal sa mabilis na paglaki ng anak na si Baby Dahlia; maraming napagtanto sa pagiging magulang

  • 6 months old na ang unica hija nina Anne Curtis at Erwan Heusaff na si Baby Dahlia Ame?lie
  • Emosyonal si Anne kapag nakikita niya ang mabilis na paglaki ng kaniyang anak
  • Napagtanto na raw niya kung bakit “little baby” pa rin ang tingin ng mga magulang sa kanilang mga supling kahit malalaki na o may sariling pamilya na ang mga ito

Naging emosyonal ang sikat na actress-host na si Anne Curtis sa pagdiriwang ng 6th month ng pagkakasilang kay Dahlia Ame?lie, anak nila ng mister na si Erwan Heussaff na isang restaurateur at food blogger. Sila ngayon ay nasa Australia at hindi pa makabalik sa Pilipinas dahil sa pandemya.

Makikita sa Instagram post ni Anne ang larawan ni Baby Dahlia na talaga namang napaka-cute at manang-mana sa kaniyang Mommy at Daddy. Tinawag niya ang anak na ” Little ErwAnneita.”

Imahe mula sa Instagram account ni Anne Curtis

“Happy 6th month to our little ErwAnneita. Je t’aime ma petite fleur, Dahlia Ame?lie,’ panimula ng caption ni Anne.

Hindi raw maipaliwanag ni Anne ang kaligayahang kaniyang nararamdaman kapag nasisilayan si Baby Dahlia. Parang kahapon lamang daw ay isinilang niya ang panganay nila ni Erwan, at makalipas ang halos kalahating taon ng 2020, nakikita niya ngayon ang mabilis na paglaki ng anak, lalo’t siya mismo ang nag-aalaga rito.

“I feel like it was just yesterday that I gave birth and held this sweet little girl in my arms for the first time… and just like that, half a year has gone by. Mixed emotions of excitement to seeing her grow and experiencing all her milestones BUT also wanting to keep her as my little baby,” aniya.

Nauunawaan na raw niya kung bakit sinasabi ng mga magulang na mananatiling baby nila ang kanilang mga anak, kahit na malalaki o may sariling pamilya na ang mga ito.

“I guess, now I understand when mums and dads say ‘You’ll always be my little baby’ – because that’s what she’ll always be to me. My little Dahlia Ame?lie. Ba ‘yan. 6th months pa lang emotional na ako what more kapag 1st birthday? 16th? 18th? 21st?!” saad pa ng aktres.

Imahe mula sa Instagram account ni Anne Curtis

Noong Disyembre 2016, na-engage sina Anne at Erwan at tuluyan silang nagkaisang-dibdib noong Nobyembre 12, 2017 sa Queenstown, New Zealand. Matapos ang halos dalawang taong pagsasama bilang mag-asawa ay nagdalatantao si Anne. Isinilang niya si Dahlia Ame?lie noong Marso 2, 2020 sa Australia. Naabutan naman sila ng lockdown kaugnay ng pandemya.

Sapantaha ng mga netizens, nakuha ang pangalang “Dahlia” mula sa pangalan ng karakter ni Anne sa kaniyang 1997 movie na Magic Kingdom.

Loading…