Ano-ano nga ba ang mga bagong class officers sa Bagong Normal?

  • May bagong class officers sa Bagong Normal
  • Iyan ang inihatid ng “Just Teach League”
  • Bawat isang posisyon ay inangkop sa online class

Isa sa mga inaabangan ng mga mag-aaral sa tuwing magbubukas ang klase noong nasa “normal” pa ang lahat ay pagtatalaga o pagboto para sa kanilang mga magiging class officers. Ito ang nagsisilbing training ground para sa mga mag-aaral upang maging mahusay na lider o pinuno habang nasa murang edad pa lamang.

Sa pagpasok ng Bagong Normal sa pagtuturo at pagkatuto, posible pa ba ito? Inilahad sa Facebook page na “Just Teach League” ang “Class Officers in the New Normal” na ginawa ni Jose Miguel Jazmines. Nilagyan pa niya ng iba’t ibang deskripsyon ang bawat posisyon dito. Idinaan niya ito sa pamamagitan ng infographic. Interesting po ito.

Imahe mula sa Facebook page na Just Teach League

“Mga kapana-league, may bago tayong infographic… Anong klaseng mga class officers nga ba ang napapanahon ngayon? Narito ang ilan sa kanila. Suggest lang po kayo sa comment box ng mga sa tingin nyo ay pwede pa nating idagdag. Your thoughts are welcome!” ayon sa kaniyang caption.

Ang class officers ay pinangungunahan ng class president na “attends to classmates’ concerns and leads class activities. Nariyan din ang video meeting monitor na nagsasagawa ng pagmo-monitor sa “participants activities during video meetings, especially the use of the chat box.”

Nariyan din ang techie crew na ang trabaho ay “assists classmates/teachers in solving audio/video problems. Si social media moderators naman ang magmo-monitor sa “classmates posts and messages in social media especially in chat groups.”

Hindi pa rin nawawala ang online class clowns na “facilitates humor and entertainment in between sessions.” isingit pa ang e-librarians na ang tungkulin naman ay “provides digital resources for the lessons and activities.”

Umani naman ito ng magandang reaksyon at komento sa mga netizens.

“Galing sir… Pa-share po. Namiss ko tuloy magka-advisory class,” turan ng isa.

Public Domain Image

Wika naman ng isa, “Parang simula’t sapul, ako yata magiging class clown hahaha bring out the memes! It’s going to be a fun school year! Hahaha.”

Mahalaga ang mga class officers dahil sila ang inaasahang makatutuwang ng mga guro sa pamamalakad sa kanilang klase. Kung ikaw ay isang mag-aaral, anong katungkulan o posisyon ang nanaisin mo rito?

Source :

Facebook

Loading…