Ano-ano nga ba ang pros at cons ng water birth?

  • May pros at cons ang water birth
  • Ito ang pamamaraang ginamit sa panganganak ni Coleen Garcia
  • Sumailalim din dito noon sina Rica Peralejo at Kylie Padilla-Abrenica

Kamakailan lamang ay nagdiwang ang showbiz world nang mapabalita ang pagsilang ng aktres na si Coleen Garcia sa kanilang firstborn baby ng mister na si Billy Crawford sa pamamagitan ng “water birth” sa kanilang tahanan. Marami tuloy ang napatanong kung ano nga ba ang water birth, dahil sa panahon ngayon, kung hindi sa pagamutan nanganganak ang isang ina, ay sa maternity clinic.

Coleen Garcia nagsilang na sa pamamagitan ng water birth sa bahay

Ang water birth ay binigyan ng kahulugan bilang isang proseso ng pagpapaanak na ang katawan ng ina, lalo na ang pang-ibabang bahagi, ay nakalublob o nakababad sa mainit na tubig na nasa loob ng suite labor tub ng mga birthing centers, o kaya naman ay sa portable pool o simpleng tub sa loob lamang ng bahay.

Public Domain Image

Ngunit ano nga ba ang “pros” o kabutihang dulot nito?

Ayon sa mga dalubhasa hinggil sa childbirth, bukod sa ito ay likas o natural, magiging madali para sa sanggol na makalabas sa sinapupunan ng kaniyang ina, at hindi gaanong mahihirapan ang ina.

“Since the baby stays in an amniotic fluid sac for 9 months, being born in an environment similar to a fluid sac, like a tub of water, will provide a smooth and calm transition for the baby and the mother,” ayon sa American Pregnancy Association.

Ayon naman sa  International Childbirth Education Association o ICEA, makatutulong ang pagbabad sa mainit na tubig para makaramdam ng kaginhawaan ang inang magsisilang. Noong unang panahon, ang panganganak ay ginagawa lamang sa mga bahay, sa tulong ng komadrona o hilot.

“The water’s buoyancy effect decreases the body weight of a person, allowing for free movement and new positioning during middle and later stages of labor,” paliwanag ng ICEA.

Public Domain Image

Dahil dito, napabibilis nito ang labor at nababawasan ang sakit na nararamdaman ng ina. Nagiging positibo rin ang pakiramdam ng ina dahil agad niyang makakarga ang anak pagluwal dito.

Kung may pros man, nariyan din ang mga cons o ‘di-bentahe.

Ayon sa United Kingdom Royal College of Obstetricians and Gynecologists, “There’s a risk that during water birth, amniotic fluid embolism could happen, where the fluid that covers a baby during pregnancy in the uterus – or fetal material such as fetal cells – enters the bloodstream of the mother.”

Batay naman sa American Pregnancy Association, “Besides amniotic fluid embolism, the baby can inhale water after it feels tension in the birth channel, gasping for air. This would be a rare occurrence as babies usually do not inhale until they are exposed to air.”

Hindi lahat ng inang nakatakdang magsilang ay maaaring sumailalim sa water birth, kahit piliin pa niya ito. Hindi maaaring sumailalim dito ang mga inang sumailalim na sa Caesarian section, may chronic condition tulad ng hypertension, diabetes, o herpes, at may risk of pregnancy tulad ng  gestational diabetes o preeclampsia. Kailangan munang kumonsulta sa OB-Gyne upang malaman kung maaaring sumailam sa ganitong uri ng panganganak.

Bukod kay Coleen, sumailalim din sa water birth ang mga aktres na sina Rica Peralejo at Kylie Padilla-Abrenica.

Loading…