Ano na nga ba ang magiging “bagong normal” sa pagbibigay ng regalo sa Pasko?

  • Naaliw ang mga netizens sa isang larawan ng kamay na may hawak na angpao
  • Surgical face mask kasi ang laman nito sa halip na pera
  • Nagbunsod tuloy ito ng tanong sa mga netizens kung paano nga ba ipagdiriwang ang Pasko sa panahon ng pandemya

Sa muling pagdating ni “Jose Mari Chan” sa pagpasok ng “Ber Months,” marami na tuloy ang napapaisip kung paano na nga ba ipagdiriwang ng mga Pilipino ang pagsapit ng Kapaskuhan sa panahon ng pandemya, gayong sanay ang lahat sa pagdaraos ng iba’t ibang mga party o pagtitipon upang maisagawa ito.

Kumbaga, paano na ang pangangaroling,  pagdaraos ng mga Christmas Party, pagdayo ng mga inaanak sa kani-kanilang mga ninong at ninang, at pagbibigayan ng aginaldo? Kaya naman, kinaaliwan ng mga netizens ang larawang ibinahagi sa Facebook page na “Papa.”

Public Domain Image

Makikita rito ang isang kamay na may hawak na angpao: sa halip na pera ang laman nito na nakasanayan na tuwing Pasko, surgical face mask ang laman nito bilang simbolo ng patuloy na pagdiriwang ng maituturing na pinakamasayang kaganapan sa mga Kristiyano, sa kabila ng nararanasan pa ring pandemya.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Hahaha, mukhang ang magiging laman ng mga regalo ngayon ay surgical mask, face mask, face shield, sanitizers, alcohols, o kaya PPE,” pabirong sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Iyan na raw kasi ang Bagong Normal. Sa ngayon, for sure maaappreciate kapag nagregalo ka ng isang kahong face mask o kaya face shield hahaha.”

“Why not? Kung ako makatatanggap ng angpao na may lamang surgical face mask, okay lang sa akin. Just make sure na hindi pa gamit ah, hehehe,” wika naman ng isa.

Public Domain Image

Para sa maraming mga Pilipino, hindi dahilan ang pandemya upang mahinto ang pagdiriwang ng Pasko. Tiyak na makaiisip nang paraan ang mga Pinoy kung paano ito maisasagawa, kalakip ang pag-iingat sa sarili at kapwa. Abangan natin kung ano-ano nga bang pauso ang gagawin ng mga Pilipino sa “Bagong Normal” na pagdiriwang ng Pasko.

Source :

Facebook

Loading…