Apply na! DepEd nangangailangan ng mga learner support aides sa darating na pasukan

Imahe mula sa DepEd
  • Nangangailangan ang Dep Ed ng mga learning support aides
  • Ang mga LSA ay tutulong sa mga guro sa paghahanda ng mga aralin at paggabay sa mga mag-aaral
  • Ang minimum qualifications sa mga aplikante ay kailangang nasa edad 21 hanggang 59, nakapagtapos ng senior high school o nakapag-aral ng dalawang taon sa kolehiyo

Kailangan ng Department of Education (DepEd) ng mga learning support aides (LSAs) upang magbigay ng suporta sa mga guro sa paghahatid ng basic education learning program sa gagawing distance learning sa darating na pasukan.

Imahe mula sa DepEd

Sinabi ni Jesus Lorenzo Mateo, ang Education undersecretary for planning, human resource, and organizational development, na ang mga LSAs ay magiging katuwang ng mga guro sa pagsisimula ng distance learning sa ilalim ng iba’t ibang learning modalities kabilang ang online, radio, telebisyon at printed learning modules ngayong school year 2020-2021.

Tutulong din ang mga LSAs sa mga magulang sa pamamagitan ng paghahanda ng mga aralin at pagmo-monitor sa pag-aaral ng mga estudyante.

“Ano po ba ang rationale ng hiring na ito? Unang-una, to support teachers and parents in the delivery of basic education services to the learner in this time of new normal,” ani Usec. Mateo.

Ang sahod na maaring tanggapin ng isang LSA ay mula P6,000 hanggang P11,000 kada buwan, depende sa minimum daily wage sa kanilang lugar.

Imahe mula sa DepEd

“Sa usapin naman ng compensation, ang tinitingnan po natin dito ay nasa halagang P6,000 to P11,000. Kasi po ito ‘yung daily minimum daily wage set by the national wage productivity commission, iba-iba,” paliwanag ni Usec. Mateo.

Ang minimum qualifications sa mga aplikante ay kailangang nasa edad 21 hanggang 59, nakapagtapos ng senior high school o nakapag-aral ng dalawang taon sa kolehiyo. Hindi kailangan na may training o karanasan para makapag-apply. Kailangan din na dapat nakatira ang aplikante sa lugar na may paaralan.

Ngunit bibigyan ng prayoridad ang mga pasado sa Licensure Examination for Teachers, private school teachers na nawalan ng trabaho at mga provisional teachers na naalis sa trabaho dahil hindi na-renew ang kontrata.

Imahe mula sa DepEd

Ang mga matatangagap na aplikante ay magtatrabaho sa loob ng anim na buwan at maaaring i-renew ang kontrata.

Ang mga interesadong mag-apply ay hinihikayat na mag-inquire sa school division offices ng DepEd.

 

Source :

PNA, GMA Network

Loading…