“Aswang” grand prize winner sa DMZ International Documentary Film Festival sa South Korea

Screenshot mula sa pelikulang "Aswang"
  • Wagi ng grand prize ang pelikulang “Aswang” sa 2020 DMZ International Documentary Film Festival
  • Si Alyx Ayn Arumpac ang nagdirihe ng documentary film
  • Idinaos sa South Korea ang DMZ Docs noong September 17 hanggang September 24

Ang documentary film na “Aswang” na idinirihe ni Alyx Ayn Arumpac ang nakasungkit ng Grand Prize sa 2020 DMZ International Documentary Film Festival (DMZ Docs) na idinaos sa South Korea noong September 17 hanggang September 24.

Imahe poster ng Aswang

Ang “Aswang” ay napili ng mga hurado na gawaran ng White Goose Award; ang grand prize para sa pinakamagandang documentary film sa ilalim ng kategoryang “International Competition.”

Pinagkalooban din ng cash prize ang “Aswang” na nagkakahalaga ng 15 million won o katumbas ng humigit-kumulang P619,000.

“Noong taong 2016, inilunsad ang ‘war on dr*gs” o giyera kontra ilegal na dr*ga sa pamamagitan ng tokhang na kumitil sa libo-libong buhay. Sinundan ng pelikulang Aswang ang dalawang taon nito,” saad ng synopsis ng dokumentaryo ni Direk Arumpac.

Si direk Alyx Ayn Arumpac ay isang Pinay documentary filmmaker na nag-aral ng paggawa ng pelikula sa Docnomads European Master (sa Budapest, Hungary, Portugal) at sa University of the Philippines.

Alyx Ayn Arumpac/Imahe mula sa Talents Tokyo

Sa kanyang review sa pelikulang Aswang, sinabi ni Teo Marasigan ng Pinoy Weekly na “nagbibigay ng pag-asa ang paglaban. Sa mga protesta, ang maluwag na espasyo ng lansangan ay nagiging siksik sa mga karaniwang tao, katulad ng mga espasyo ng mga mararalita…Dito, tinutukoy at sinisingil ang pwersang nasa likod ng mga aswang.”

Screenshot mula sa pelikulang Aswang

Samantala, ang “I-Documentary of the Journalist” ni Mori Tatsuya ng Japan ang ginawaran ng ikalawang karangalan – ang Special Jury Award bilang second best film sa International Competition category. Seven million won o P289,000 ang cash prize na natanggap ni Tatsuya.

Loading…