‘Avatar 2’ tapos na ang shooting, ‘Avatar 3’ malapit na ring makumpleto – James Cameron

Imahe mula sa Insider
  • Natapos na ang shooting ng ‘Avatar 2’ at mapapanood na ito sa December 2021
  • Malapit na ring makumpleto ang ‘Avatar 3’, ayon kay Director James Cameron
  • Tumanggi namang magbigay ng karagdagang detalye si Cameron hinggil sa 2 sequels

Mapapanood na ang inaabangang sequel ng ‘Avatar’ na ‘Avatar 2’ ni James Cameron sa susunod na taon. Ito ay matapos ibahagi ng batikang direktor na natapos na ang shooting nila ng ‘Avatar 2’ at inihahanda na rin ang release date ng ‘Avatar 3’.

Sa online chat nila ni Arnold Schwarzenegger para sa 2020 Austrian World Summit, inamin  ni Cameron na naapektuhan ng COVID-19 pandemic ang shooting nila ng mga nabanggit na pelikula.

James Cameron| Imahe mula sa Wikipedia

“We lost about four and a half months of production. As a result of that, we’ve rolled around one more full year for a release in December of 2022. That’s been announced already,” ani Cameron sa ulat ng CNN.

Ibinahagi rin ng direktor na kasalukuyan siyang nasa New Zealand para kunan ang nalalabi pang eksenang live-action ng ‘Avatar 3’.

Screenshot mula sa You Tube

“Now that doesn’t mean I have an extra year to finish the film because the day we deliver ‘Avatar 2,’ we’ll just start working on finishing ‘Avatar 3,” ani Cameron. “We’ve got about 10 percent left to go. We’re 100 percent complete on ‘Avatar 2’ and we’re sort of 95 percent complete with ‘Avatar 3.’”

Masuwerte umano na napili rin nila ang New Zealand bilang location ng shooting sapagkat hindi masyadong mataas ang bilang ng kaso doon.

“We’re very lucky in that we chose this as our production site years ago. We made the first film here in New Zealand and it turns out to be ranking first or second-best country in the world for its Covid response,” wika nito.

Tumanggi naman si Cameron na magbigay ng karagdagang detalye tungkol sa kaniyang dalawang sequel na ginagawa.

Zoe Saldana at Sam Worthington| Imahe mula sa TV Guide

Ang unang ‘Avatar’ ay ipinalabas noong 2009 at isa ito sa pinakamatagumpay na pelikula ng taon na tumabo ng kita sa takilya. Ito rin ang kauna-unahang pelikula sa kasaysayan na kumita ng mahigit $2-B.

Samantala, inaasahang muling magbabalik bilang cast ng ‘Avatar 2’ sina Sam Worthington bilang Jake Sully, Zoe Saldana bilang Neytiri at Cliff Curtis bilang Tonowari habang mayroong ‘undisclosed role’ naman sina Vin Diesel at CJ Jones.

Panoorin ang panayam ni Arnold kay James Cameron:

Loading…