Babaeng nagbibisikleta nang hindi nakahawak sa manibela, tumawid sa crossing kahit red ang traffic light

Screenshot mula sa video ni Seannah Swift via Facebook
  • Nahulicam ang isang babae na nagbibisikletang nakataas ang dalawang kamay
  • Ikinabigla ng mga nakasaksi ang ginawang pagtawid nito sa isang crossing kahit red na ang traffic light
  • Iniisip ng ilang social media users na may diperensya sa pag-iisip ang babaeng nagbibisikleta

“Look ma, no hands.” Ito ang mensaheng tila nais iparating ng isang babae na na-videohan na nagbibisikleta na nakataas ang dalawang mga kamay.

Screenshot mula sa video ni Seannah Swift via Facebook

Sa isang video na nag-viral, makikita ang isang babae sa kahabaan ng Araneta Avenue sa Caloocan City na nagbibikleta nang hindi humahawak sa manibela. Nakadipa ang mga kamay na parang mga pakpak ng ibon habang pumapadyak sa bisikleta ang babae.

Ang eksena ay nakuhanan ng dashboard camera ng isang sasakyan na nasa likuran ng babae.

Nang malapit na sa stoplight ang babae ay saglit siyang humawak sa manibela. Makikita sa video ng uploader na naka-red na ang stoplight kaya inaasahang hihinto ang babae. Ngunit laking gulat nila nang dumiretso pa rin ito at hindi inalintana ang panganib ng kanyang ginawa.

Kita sa video na ilang saglit lang matapos niyang makatawid ay umarangkada ang mga sasakyan sa kanang bahagi ng kalsada na naka-Go ang traffic light.

“Wala kayo kay ate… Kayo na po humusga! #StaySafe guys,” post ng nag-upload ng video sa Facebook na si Seannah Swift.

Screenshot mula sa video ni Seannah Swift via Facebook

Halos pare-pareho ang komento ng mga netizens na nakapanood ng video – napakadelikado ng ginawa ng babae at hindi dapat pamarisan. Iniisip pa ng ilan na maaaring may diperensya ito sa pag-iisip.

Narito ang ilan sa mga komento ng social media users: “Nakakatawa at the same time nakakabother delikado ‘yun.”

“Delikado ginawa nyang tumawid ng ganun sa may traffic light.”

“WT….? She went through a Red light! Dang!”

 “Mukhang may mental disorder”

“Mukha may TAMA eto. Kawawa naman eto, ‘Pag nagkataon maaksidente.”

I-CLICK and imahe para sa video ni Seannah Swift via Facebook
Source :

Facebook, YouTube

Loading…