Bagong PhilHealth chief Dante Gierran nangakong ibabalik ang tiwala ng publiko sa ahensiya

Philhealth chief Dante Gierran/ Imahe mula sa PNA
  • Itinalaga ni Pangulong Duterte si dating NBI director Dante Gierran bilang bagong PhilHealth chief
  • Inamin ni Gierran na may agam-agam siya sa bagong trabaho dahil wala siyang alam sa public health
  • Si Gierran ay isang abugado at certified public accountant

Nitong Lunes ng gabi, pormal nang inanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtalaga kay dating NBI Director Dante Gierran bilang bagong PhilHealth chief kapalit ni Ret. Gen. Ricardo Morales.

Personal umano siyang tinawagan ng Pangulo para sabihing siya na ang mamuno sa ahensiyang balot ng kontrobersiya at alegasyon ng katiwalian.

Screenshot mula sa YT video ng ABS-CBN News

Inamin naman ni Gierran na isang mahirap na hamon ang kaniyang kakaharapin subalit hindi umano niya ito uurungan.

“As a matter of fact, I did not apply for the position because I know it’s a very tough job but you know, just like a good soldier…I’m also a good soldier. I’m one who would not back out from a mission, and this is a mission,” anang dating NBI chief.

Kailangan daw lamang niyang maibalik ang tiwala ng publiko sa PhilHealth matapos masangkot sa kurapsyon ang ilang matataas na opisyal nito.

“All I have to do is to restore the trust and confidence of our people to PhilHealth. Restoring the trust and confidence of our people to PhilHealth is equivalent to restoring the trust and confidence to our government, to the governance,” wika ni Gierran.

Imahe mula sa Philhealth

Sa panayam ng ANC nitong Martes, inamin din ni Gierran na mayroon siyang agam-agam sa kaniyang bagong trabaho lalo pa’t wala pa siyang karanasan pagdating sa sistema ng public health.

“I’m a little bit scared… because I don’t know the operation of PhilHealth. I do not know what is public health,” aniya.

Si Gierran, na isang abugado at certified public accountant (CPA) ay nagsilbi sa National Bureau of Investigation (NBI) sa loob ng 27 taon. Dati siyang regional director ng Davao simula 2013 hanggang 2016 bago itinalagang director.

Nagretiro siya sa NBI nito lamang nakaraang Pebrero.

Loading…