Bagong Plant Species natuklasan sa Bundok Arayat

  • May bagong plant species na natuklasan sa Bundok Arayat
  • Tinawag itong “Pyrostria arayatensis”
  • Patunay raw ito na masigla ang bio diversity sa naturang lugar

Isang bagong plant species o halaman ang natuklasan ng mga eksperto sa Mount Arayat National Park o MANP na matatagpuan sa Pampanga, ayon mismo kay Paquito Moreno, Jr., Executive Director ng Department of Environment and Natural Resources o DENR sa Gitnang Luzon,

Makikita sa opisyal na Facebook page ng DENR ang mga kuhang larawan ng Pyrostria arayatensis, na natuklasan ng pangkat ng mga mananaliksik mula sa Angeles University Foundation sa Pampanga at University of Santo Tomas sa Maynila.

Imahe mula sa opisyal na Facebook page ng DENR Central Luzon

“Researchers Dr. Marlon Suba, Dr. Axel Arriola, Dr. Grecebio Jonathan Alejandro, Nicolas Raphael Arcangel, Jomari Jalipa, Joaquim Gerardo Jurilla, and Jose Manuel Villasenor discovered P. arayatensis in the lowland forest of MANP on 2017 while conducting a botanical study,” ayon sa post.

Ayon kay Dr. Suba, “the newly-discovered species belongs to the family Rubiaceae and is endemic to the Philippines, adding that the study was part of his dissertation in the UST and was published in the international scientific journal of Annales Botanici Fennici on August 10, 2020.”

Sinabi naman ni G. Moreno, Jr. na nagpapatunay lamang ito na napanatili ng lugar ang malusog na biological diversity.

“Even at the very start when this group of researchers applied for a gratuitous permit to do their research in the area, we were positive that something good and noble would come out of this,” pahayag pa ni Moreno.

Isa sa mga prayoridad ng DENR ang preserbasyon at pagpapahalaga sa MANP bilang santuwaryo ng iba’t ibang mga trees at plant species, idagdag pa ang mga 86 species ng mga ibon, 14 species ng mammals, at 11 species ng mga reptilya.

Imahe mula sa opisyal na Facebook page ng DENR Central Luzon

Noong 1933, nilagdaan ni dating Pangulong Manuel L. Quezon ang Presidential Proclamation No. 594 na nagdedeklara sa Bundok Arayat bilang pambansang parke.

Loading…