Bagsik ni Liza Soberano lumitaw dahil sa mabagal na internet speed ng Converge ICT Solutions

Screenshot ng tweet ni Liza Sobnerano
  • Liza Soberano nagreklamo sa mabagal na internet speed
  • Dismayado sa Converge ICT Solutions ang aktres na tinawag niyang unprofessional
  • Ni hindi umano magawa ng kumpanya sa sagutin ang telephone calls niya

Dismayado ang aktres na si Liza Soberano sa serbisyo ng isang internet provider na tinawag pa niyang unprofessional dahil hindi sumasagot sa mga tawag.

Imahe mula sa Instagram account ni Liza Soberano

Sa Twitter, marami ang naka-relate nang ireklamo ng aktres ang mabagal na internet speed ng Converge ICT Solutions.

“Converge really needs to start fixing their internet speed. I am an unhappy customer,” tweet ni Liza.

Nag-reply pa siya sa sariling tweet para i-tag ang kumpanya.

“@Converge_CSU.”

Ni hindi man lang daw magawang sumagot ng kumpanya sa telepono kapag tumatawag siya.

“Can’t even answer the phone whenever we call. How unprofessional.”

May nagpayo na lumipat na lang ng internet provider si Liza, pero anang aktres ay three years ang kontrata niya sa Converge.

“Maybe it’s time to change your internet provider. I-ditch mo na ‘yan,” payo ng isang Twitter user.

“I really want to but I have a 3-year contract with them. Sayang ‘yung bayad. My money doesn’t grow on trees, I work hard for it,” sagot ng aktres.

Screenshot ng tweets ni Liza Sobnerano

Agad namang sumagot ang kumpanya sa reklamo ni Liza at nangakong gagawa ng aksyon.

“Hi Valued Subscriber. Thank you for reaching out to Converge Social Media. Allow us to assist you accordingly by sending us a private message. This is to ensure your data privacy. Rest assured we’ll be there to assist you immediately. Thank you!” sagot ng Converge sa tweet ni Liza.

Dahil sa agarang sagot ng kumpanya sa hinaing ng aktres ay hindi napigilan ng ilang netizens na punahin ito dahil bakit daw kapag ordinaryong customer ang nagrereklamo ay natatagalan bago sumagot. Bakit nga ba, Converge?

Source :

Twitter

Loading…