Bahay bago luho: Andrea Brillantes, 17, nakabili ng bahay dahil sa pagiging kuripot

Imahe mula sa Instagram | Andrea Brillantes
  • Aminado ang aktres na si Andrea Brillantes na kuripot siya pagdating sa mga luho
  • Ito raw ay dahil pangarap niya talaga na makabili ng sariling bahay para sa kaniyang pamilya
  • Kuwento ni Andrea, noon ay nagre-rent lamang sila ng bahay kaya alam niyang hindi siya maaaring maging sobrang komportable dahil hindi naman nila iyon pag-aari

Naging masinop ang aktres na si Andrea Brillantes sa mga kinikita niya sa pag-aartista kaya naman sa edad na 17 ay nakapagpundar na siya ng bahay para sa kaniyang pamilya.

Imahe mula sa Instagram | Andrea Brillantes

Sa isang panayam ay sinabi ni Andrea na noon pa man ay nagre-rent lamang sila ng tahanan kaya ang pagkakaroon ng sariling bahay ang naging inspirasyon niya upang magsikap sa trabaho.

“Nagre-rent po kasi talaga kami ng bahay, ‘yong tinitirahan namin. Ilang beses na kaming lumipat, siguro mga apat na beses, tapos puro rent,” sabi ng aktres.

Bukod sa nakapapagod ang paglilipat-bahay ay hindi niya rin gustong hindi sila maaaring maging sobrang komportable dahil hindi naman sa kanila ang tinitirhan. “Ever since noong pa-extra extra pa ako hanggang tumaas na iyong roles ko, ang lagi kong iniisip ay bahay. Nagtatabi ako ng mga ipon,” sabi ni Andrea.

Imahe mula sa Instagram | Andrea Brillantes

Naging malaking break daw para sa kaniya ang Kadenang Ginto at dito siya nakaipon nang sapat upang makabili ng sariling bahay. Sa kabila nito ay nanatili pa rin umano ang kaniyang pagiging “kuripot” pagdating sa mga luho.

“Hindi ako bumibili ng mga designer. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako bumibili ng mga designer shoes and bags. Nagsimula ang pagiging kuripot ko noong 10 years old ako. Nahirapan talaga ako. Nalaman ko ang halaga ng pera. Ang hirap-hirap pala niyang kitain. Tapos noong nagkaroon ako ng responsibility sa buong family ko, mas naging kuripot ako.”

Nagsimula ang construction ng kaniyang bahay noong Agosto 2019. Paminsan-minsan ay nagbabahagi siya ng larawan ng progress sa kanilang bahay sa Instagram.

Source :

PEP

Loading…