Barangay na walang bagong COVID-19 cases mula Sept 1 hanggang Oct.31 tatanggap ng P100k – Yorme

Imahe mula sa Manila PIO
  • P100,000 incentive ipagkakaloob sa barangay na walang mairerehistrong bagong COVID-19 cases sa loob ng dalawang buwan
  • Kahit may active cases basta’t walang bagong COVID-19 infection mula September 1 hanggang October 31 ay makatatanggap pa rin ng insentibo ang barangay
  • Naglaan ng P89.60 million budget para sa proyekto ang city government dahil umaasa ito na magtatagumpay ang lahat ng mga barangay sa challenge

Sa layuning maibsan ang patuloy na pagkakaroon ng bagong COVID-19 cases sa lungsod, nag-alok si Mayor Isko Moreno ng insentibo sa mga barangay na hindi magkakaroon ng bagong kaso nito sa loob ng dalawang buwan.

Imahe mula sa Manila PIO

“Ang goal natin ay zero COVID-19 infection for two months sa barangay, and I believe that you can do it. That is why we want to give you incentive,” ani Mayor Isko Moreno.

Pagkakalooban ng city government ng P100,000 ang barangay na walang COVID-19 case na maitatala simula September 1 hanggang October 31. Naglaan ng budget na P89.6 million para sa proyekto dahil inaasahan niya na mapagtatagumpayan ng lahat ng mga barangay ang challenge.

“Kapag kayo po ay walang nairehistro sa amin na walang impeksyon, walang new cases in the next two months sa inyong barangay, kayo po ay magkakamit ng P100,000,” ani Yorme.

Nilinaw ng alkalde na kahit may active COVID-19 cases sa barangay ay maaaring mabigyan ng pabuya basta sa loob ng nabanggit na dalawang buwan ay walang bagong kaso ng impeksyon.

“Kapag walang naitala sa inyong barangay na new infection, kahit mayroon ngayon ay hindi ‘yon kabilang. So, anything na maitala na zero from September 1 to October 31, kayo po ay makakatanggap mula sa pamahalaang lungsod ng additional P100,000 sa inyong mga budget,” sabi pa niya.

Imahe mula sa Manila PIO

Bukod sa isandaang libong piso bilang karagdagan sa budget ng barangay, ang mga opisyal ng barangay ay bibigyan ng Plaque of Appreciation bilang pagkilala sa kanilang ginawa.

Ang Lungsod ng Maynila at iba pang bahagi ng Metro Manila, ay mananatiling nasa ilalim ng general community quarantine hanggang sa katapusan ng buwan ng Setyembre.

Source :

Facebook, ABS-CBN

Loading…