Bataan Nuclear Power Plant nakikitang solusyon sa mataas na singil sa kuryente

Imahe mula sa Wikipedia
  • Nakikitang solusyon ng mambabatas ang Bataan Nuclear Power Plant sa mataas na singil ng kuryente sa bansa
  • Naghain ng House resolution si Rep. Virgilo Lacson upang tingnan ang posibilidad na gamitin ang Bataan Nuclear Power Plant
  • Ang Pilipinas ang may “highest electricity costs” sa buong Southeast Asia

Hinikayat ni Manila Teachers Partylist Representative Virgilio Lacson ang mga kapwa mambabatas na tingnan ang posibilidad na gamitin ang Bataan Nuclear Power Plant bilang power source upang bumaba ang singil sa kuryente sa bansa.

Imahe mula sa ASEAN Center for Energy

Inihain si Rep. Lacson ang House Resolution No. 1148 na nag-aatas sa kinauukulang House of Representatives committee na silipin ang naturang bagay. Aniya, kailangan nang kumilos ang Kongreso at bigyan ng katugunan ang patuloy na pagtaas ng electricity rates sa Pilipinas.

“For years, the cost of electricity in the country has increased exponentially mainly because of its reliance on imported fossil fuels. In Asia, the Philippines is the second highest in electricity prices,” ani Rep. Lacson sa kanyang two-page resolution.

“During this time of COVID-19 pandemic, it is apt to find the sources of power for electricity, in order to help ease the losses and burdens of our consumers. One source of electricity that is found to be reliable and cheap is nuclear energy. Nuclear power plants do not emit greenhouse gases during generation of electricity,” saad pa sa resolusyon ng mambabatas.

Imahe mula sa UNTV

Aniya, kung gagamitin ang Bataan Nuclear Power Plant na matagal nang nakatengga sa bayan ng Morong sa Bataan ay makatutulong ito sa electricity rates lalo na ngayong panahon na may pandemya ng mga problema sa ekonomiya at sa mga consumers.

Ang nuclear energy ay nakikitang solusyon sa kambal na problema ng Pilipinas sa kuryente – ang walang katiyakang supply at ang pagiging  isa sa may “highest electricity costs” sa buong Southeast Asia.

Loading…