“Bating Filipino Bill” o pagbabago sa paraan ng pagbati, isinusulong sa Kamara

  • May isinusulong na panukalang batas ang mga kongresista
  • Ito ay alternatibo para sa mga tradisyonal at nakasanayang gestures sa pagbati gaya ng pakikipagkamay o handshake, upang maiwasan ang pagkahawa ng COVID-19
  • Tatawagin itong “Bating Filipino Law”

Isinusulong sa House of Representatives ang panukalang batas sa pagkakaroon ng mas ligtas na institutionalized greetings at gestures, sa halip na gawin ang mga nakasanayang pagkamay o shakehands, paghalik sa pisngi o beso-beso, at iba pang akto ng pagbati na kinakailangang gamitan ng pagsalat o pagdikit ng mga balat.

Sinang-ayunan ng House Committee on Basic Education and Culture ang House Bill 7333 na naghahangad na magkaroon ng “new Filipino gesture of goodwill, praise, and respect”  na magiging alternatibo habang may COVID-19 pandemic pa.

Public Domain Image

Ang naturang bill ay inakda ni 1st District Marikina City Congressman Bayani “BF” Fernando na tinawag niyang “Bating Filipino Law” na nagsasaad na ang bagong alternatibong akto ng pagbati ay paglalapat ng palad ng kanang kamay sa gitna ng dibdib, kasabay ng bahagyang pagtango, na maaaring nakapikit ang mga mata o nakatingin sa lapag o sahig, at syempre, lalangkapan ng matamis na ngiti.

Sang-ayon naman dito ang kinatawan ng Department of Health o DOH na si Dr. Norilyn Evangelista, na nagsabing magandang alternatibo ito para sa pakikipagkamayan o handshake. Batay naman kay Deputy Speaker at Sorsogon Representative Evelina Escudero, sinusuportahan ng National Commission for Culture and the Arts ang naturang panukalang batas, na naglatag naman ng posisyong papel upang tawagin itong “Bating Filipino para sa Kalusugan.”

Narito naman ang reaksyon at komento ng mga netizens:

“There are better things the government should be doing, but I’m okay with this. I don’t like having to touch people for greeting… Some people I just don’t want to touch,” sabi ng isa.

Public Domain Image

Turan naman ng isa, “Seriously? Wasting time to craft a bill that can just be encouraged or make it ‘viral.’ What the heck, they could just make an advertisement for that. Waste of time, instead of prioritizing other bills, waste of money, syempre kada hearing and meeting may food, yung kuryente and sahod kasi pumasok sila, common, it might be small matters, but when it continuously done eh lumalaki. Please, spare us some good things.”

“I like it except for the hand on chest thing… maybe hands together like Namaste is better,” wika naman ng isa.

Ikaw, ano ang opinyon mo hinggil dito?

Loading…