BayaniJuan Caravan inilusad ng URC bilang suporta sa mga sari-sari store owners sa Maynila

Imahe mula sa Barangay 420 Zone 43 District IV
  • Naglunsad ng programa ang URC bilang pagsuporta sa mga sari-sari store owners
  • Ang BayaniJuan Caravan ay lilibot sa iba’t ibang barangay sa Lungsod ng Maynila
  • Malaking diskwento ang alok ng URC sa mga small retailers

Inilunsad ng kumpanyang Universal Robina Corporation (URC) ang isang programa na naglalayong matulungan na madagdagan ang kinikita ng mga sari-sari store sa mga komunidad sa Lungsod ng Maynila sa gitna ng health crisis na nararanasan sa bansa.

Imahe mula sa Barangay 420 Zone 43 District IV

Katulad ng tradisyon ng pagtutulungan sa isa’t isa ng mga Pinoy, ipadarama ng URC ang espiritu ng bayanihan sa mga sari-sari store owners sa pagpapakita ng pagsuporta sa kanilang munting negosyo sa pamamagitan ng “BayaniJuan Caravan.”

Inilunsad noong ika-16 ng Setyembre at magtatagal hanggang ika-11 ng Oktubre, ang Bayanihan Caravan ay maglilibot sa iba’t ibang barangay sa Maynila upang ilapit sa mga sari-sari store owners ang murang produkto ng kumpanya.

Ang special bundle packs ng mga sari-saring brands tulad ng Baker John, Payless, Grat Taste, Robina Farms, C2, at iba pa ay iaalok sa mga small retailers sa diskwentong aabot hanggang P77.

May tsansa ring makapag-uwi ang mga sari-sari store owners ng mga kapakipakinabang na bagay tulad ng protective barrier para sa tindahan nila o kaya ay laundry hamper. Libre itong makakamit kapag bumili ng limang bundle packs. Mabibili ang bawat bundle pack sa halagang P120.

Imahe mula sa Barangay 420 Zone 43 District IV

Mahigpit na ipatutupad ang health and safety protocols sa bawat BayaniJuan Caravan upang matiyak na maging ligtas ang lahat. Kabilang dito ang pagsunod sa physical distancing rule, pagsusuot ng face mask, pag-disinfect ng mga bagay at ang pagkuha ng body temperature.

Apat na barangay na ang nabisita ng BayaniJuan Caravan noong September 19, 20, 26 at 27.

Narito ang susunod na schedule ng caravan na bukas mula alas-siyete ng umaga hanggang alas-kuwatro ng hapon:

Imahe mula sa Barangay 420 Zone 43 District IV

October 3 – Barangy 565 Zone 55 Visayasan Ave. corner Norma St., Sampaloc, Manila (sa harap ng Barangay Hall)

October 4 – Barangay 587 Zone 58 Gualdal Canal St., Sta. Mesa, Manila (sa harap ng barangay hall)

October 10 – Barangay 597 Zone 59 Gualdal Canal St., Sta. Mesa, Manila (sa open court katabi ng barangay hall)

October 11 – Barangay 80 Zone 7 Lacson St. corner Pitong Gatang (sa loob ng covered court)

Imahe mula sa URC

Loading…