BB Gandanghari maniningil na ng fee sa kanyang ‘tell all’ vlogs

Image by BB Gandanghari via Instagram
  • BB Gandanghari, tuloy ang paglalahad ng kanyang kuwento sa BB Uncut
  • Pero maniningil na raw siya ng monthly subscription fee na aabot sa $99.99 kada buwan
  • Nalulungkot umano siya para sa mga hindi maka-afford sa subscription fee

Hindi patitinag si BB Gandanghari sa paglalahad ng kanyang nakaraan sa pamamagitan ng BB Uncut vlogs at napagtanto umano niyang ang kuwento ay hindi para sa lahat kaya’t maniningil na siya ng monthly subscription sa upcoming episodes simula September 20.

Mayroong tatlong kategorya ang monthly membership fee, ito ay ang BBnatics na nagkakahalaga ng $1.99, BBlicious na nagkakahalaga ng $9.99 at BBingers na nagkakahalaga ng $99.99.

Mayroon pang after-party live chat ang mga magsu-subscribe sa BBingers kaya mas mahal ang bayad.

Napagtanto niya ito makaraang makakuha ng mga masasakit na salita sa madla kabilang na ang mula sa mga kaibigan dahil sa kanyang mga isinisiwalat samantalang tungkol sa pag-ibig lamang naman umano ang kanyang kuwento.

Dagdag niya, nais lamang niyang maibahagi ang kanyang kuwento na hindi inedit ng isang editor, “I wanna say what I wanna say.”

“Next week abangan ninyo ang ating closed circuit live stream ‘BB Uncut,’ and we will see kung anong lessons ang matututunan ni Rustom sa naging experience niya as David.

“Kasi I think after this episode, a Pandora’s box was opened. Kay Rustom ito, ha? Parang all of a sudden, nabuksan ang Pandora’s Box. How? Yan ang malalaman natin sa pagpapatuloy ng ‘BB Uncut.'”

Imahe mula sa Instagram | BB Gandanghari

Yamang magiging eksklusibo na ang kanyang BB Uncut sa mga magbabayad ng membership fee, nalulungkot umano siya sa mga hindi makaka-afford lalo’t mayroong pandemya sa ngayon; gayunman, pinasalamatan niya ang mga ito sa kanilang suporta.

Namagitan noon kay Rustom Padilla at isang popular na aktor, ibinulgar ni BB Gandanghari

Naging kontrobersyal ang isang episode ng kanyang BB Uncut kung saan ibinahagi niya ang “intimate” encounter nila ng isang popular na aktor.

Bahagi ng kanyang kuwento, “Nagtanong si Rustom, ‘Saan ang restroom?’ Sa taas daw. So, umakyat, pasok sa restroom, weewee. Then, lumabas ng bathroom, pagbukas niya ng pinto, nandoon si Jonathan. And then we kissed.”

Screenshot mula sa vlog ni BB Gandanghari

Loading…