BB Gandanghari walang intensyong guluhin si Piolo – Boy Abunda

Imahe mula sa Facebook account ni Boy Abunda
  • Boy Abunda may reaksyon sa kontrobersyang kinasangkutan ni BB Gandanghari at Piolo Pascual
  • Naniniwala si Boy Abunda na walang intensyon si BB Gandanghari na guluhin si Piolo
  • Naniniwala rin ang multi-awarded TV host na hindi maaapektuhan ang career ni Piolo sa rebelasyon ni BB Gandanghari

Naniniwala ang beteranong TV host at talent manager na si Boy Abunda na walang intensyon si BB Gandang hari na guluhin si Piolo Pascual sa ginawa nitong pagsisiwalat sa kanyang vlog tungkol sa namagitan umano sa kanilang dalawa sa San Francisco sa Amerika noong taong 2001.

Imahe mula sa Facebook account ni Boy Abunda

Pinukol si BB Gandanghari ng sari-saring mga akusasyon dahil sa paglalahad ng namagitan sa kanila noon ni Piolo. Kesyo ginagamit lang niya ang popular na aktor upang dumami ang subscribers niya sa kanyang vlog. May nag-aakusa rin na gusto lang umano niyang mapag-usapan.

Ipinagtanggol ni Boy Abunda si BB sa mga akusasyon at sinabing karapatan nito ang ginawang pagsisiwalat dahil buhay niya iyon.

“May mga akusasyon pa na, ‘Ay, kasi may clothing line! Ay, gustong dumami ang subscribers! Ay, kasi gustong maging relevant!’ Alam mo kung ano ang sagot ko doon? All of the above, yes! May karapatan siya, buhay niya iyon, e,” ani Boy Abunda na tinaguriang Asia’s King of Talk.

Nilinaw ni Boy Abunda na wala siyang pinapanigan sa dalawa – kay BB o Piolo.

“Wala akong kinakampihan ha? I say very nice things to both,” paglilinaw niya.

Imahe mula sa Facebook account ni Boy Abunda

Sinabi niya na hindi totoo na in-out ni BB si Piolo. Si BB ay naglahad lang daw ng sariling kuwento ng kanyang buhay.

“To claim that BB is outing Piolo, or Jonathan in that narrative, kasi natapilok siya dalawa o tatlong beses, is not necessarily true,” giit ng multi-awarded TV host.

Tanging si Piolo lang daw ang makapagsasabi kung ano ang kanyang sekswal na oryentasyon.

“On the other end, how does Piolo identify himself? Ang sinasabi ni BB, ‘Piolo, magsalita ka kung gusto mo. Malay mo, you’re straight.’ Ako naman, dinadagdagan ko. Malay mo, he’s fun, romantic, he’s demisexual. Malay mo he’s bisexual. Malay mo he doesn’t subscribe to gender?” aniya.

Kumpiyansa rin si Boy na ang kontrobersyang ito ay hindi makaaapekto sa career ni Piolo Pascual dahil isa itong mabuting tao.

Imahe mula sa Facebook account ni Boy Abunda

“But, ang alam ko lang, this is not going to affect Piolo. Worst things had happened in the past, he left for a while, he comes back with a new show, with a new song, and everybody had forgotten it. You know why? Napakabuting tao kasi ni Piolo,” paliwanag niya.

May isang bagay na sinabi si BB Gandanghari na hindi sinang-ayunan ni Boy Abunda. Ito ay nang hamunin nito si Piolo na magsalita tungkol sa kontrobersya.

Sabi ni Boy, may karapatan si Piolo na manahimik.

“Kung gusto niyang tumahimik, kung gusto niyang magsalita, kung gusto niya idedma. That will always be his right,” aniya patungkol kay Piolo Pascual.

Screenshot mula sa TWBA video

Loading…