BDO humingi ng paumanhin matapos magkaproblema sa kanilang digital platform

Imahe mula sa BDO
  • Humingi ng paumanhin ang BDO matapos magkaproblema sa kanilang online platform
  • Marami kasi ang nakaranas ng problema na ma-access ang kanilang app at website nitong mga nagdaang araw
  • Tiniyak naman ng BDO na gumagawa na sila ng hakbang para ayusin ang problema

Nitong mga nagdaang araw, dismayado ang mga kliyente ng BDO dahil sa problema nila sa paggamit ng mobile application at website. Inulan ng reklamo ang Facebook page ng bangko mula sa mga netizens na naapektuhan ang kanilang transaksiyon online.

Subalit tila hindi pa natatapos ang kalbaryo ang mga BDO account holders dahil nitong Miyerkules, lalo pang lumala ang problema sa accessibility sa mobile platform ng bangko na nataon pa namang araw ng sahod ng karamihan.

Imahe mula sa DF Balita

Dahil dito, naglabas agad ng pahayag ang BDO na humihingi ng pang-unawa at paumanhin dahil sa nararanasang isyu.

“We apologize for the inaccessibility of our Digital Banking channels and the inconvenience it has caused during this payday period,” ayon sa BDO.

Hinikayat naman ng bangko ang kanilang kliyente na pansamantala ay magtungo na lang muna sa kanilang mga branches o kaya ay gumamit ng ATM machines para sa mga urgent transactions.

Imahe mula sa BDO – Facebook

Ayon pa sa pahayag, nakararanas umano ang BDO ng malaking volume ng gumagamit ng kanilang digital channels ngayong araw at inaayos na nila ito.

“Today’s volume has been been substantially higher than the normal peak level,” ayon pa sa BDO.

“We have already taken steps to upgrade to a new digital banking platform. Please bear with us as we prepare for the migration to the new platform,” dagdag pa ng nasabing pahayag.

Imahe mula sa BDO Facebook

Magugunitang marami ang nadismayang kliyente ng BDO matapos na hindi nila ma-access ang mobile app sa iOS units bunga ng pag-update ng operating system ng Apple mula sa iOS 13.7 hanggang iOS 14 noong nakaraang linggo.

Ayon sa mga netizens, hindi nila maintindihan kung bakit tila hindi handa ang BDO sa mga ganitong senaryo samantalang sila ang itinuturing na pinakamalaking bangko sa bansa na may pinakamaraming kliyente.

Loading…