Bello tiniyak ang tulong ng gobyerno para sa pamilya ng Pinoy crew ng lumubog na barko

Imahe via Facebook DOLE
  • Tiniyak ni Sec. Bello ang tulong sa pamilya ng mga Pinoy crew ng Gulf Livestock 1
  • Patuloy umano silang nakikipag-ugnayan sa pamilya ng mga ito para sa update
  • Dalawang Pinoy na ang nailigtas ng JCG simula noong Miyerkules

Handa ang pamahalaan na magbigay ng anumang tulong sa pamilya ng mga nawawalang Pinoy crew member ng barkong Gulf Livestock 1 na lumubog sa karagatan ng Japan noong Miyerkules.

Magugunitang 39 sa 43 crew freighter ship ay Filipino habang dalawa naman ang Australian at dalawa rin ang New Zealander.

Screenshot mula sa PCOO video

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, patuloy silang nakikipag-ugnayan sa pamilya ng mga nawawalang crew at survivors upang ma-update ang mga ito sa kung ano man ang nangyayari.

“We are in touch with the next of kin of the crew and we are providing them all the help we can give, including the latest information on the search and rescue operation for our kababayans being done by Japanese authorities,” ani Bello sa panayam nitong Sabado.

Kinumpirma rin ng kalihim na isa pang Pinoy ang nailigtas ng Japan Coast Guard (JCG) na kinilalang si Jay-Nel Rosales, 30 anyos at isang deck crew mula sa Cebu. Si Rosales na ang pangatlong crew ng barko na natagpuan ng JCG at pangalawang Pinoy survivor.

Imahe mula sa japan Coast Guard

Nauna nang nailigtas ng JCG si Eduardo Sareno, isang chief officer mula rin sa Cebu. Sina Rosales at Sareno ay kapwa nasa ospital at nagpapagaling na.

Isa pang crew ang natagpuang walang malay noong Biyernes subalit ito ay napaulat na binawian na ng buhay. Wala pang pagkakilanlan ang nasabing crew bagama’t hinala ng mga awtoridad ay isa rin itong Filipino.

“We are updating the relatives of our unfortunate Filipino crewmen every time we receive information from the Japanese Coast Guard who is on top of the search and rescue operation,” wika pa ni Bello.

Capt. Sareno| Imahe mula sa LA Times

Naglabas na rin ng pahayag ang Department of Foreign Affairs (DFA) tungkol sa kanilang pakikipagtulungan sa JCG at sa manning agency ng mga tripulanteng Pinoy.

“The Philippine Embassy in Tokyo, the Philippine Consulate General in Osaka and the Philippine Overseas Labor Office (POLO) continue to monitor and coordinate the situation with the Japanese Coast Guard, shipowner and the manning agency to extend all appropriate support for the Filipino seafarers and their families,” ayon sa DFA.

Loading…