Best friend role lang? Dimples Romana, nakapagpatayo ng bahay dahil sa supporting roles

Imahe mula sa YouTube | Bianca Gonzalez
  • Nagbigay ng inspirasyon ang aktres na si Dimples Romana sa pagbabahagi ng mga pinagdaanan bago nakakuha ng major role
  • May nakapagsabi daw noon na sayang siya dahil kahit mahusay ay best friend roles lamang ang natatanggap
  • Ngunit para sa kaniya, blessing ang mga iyon dahil nakapagpatayo siya ng bahay sa tulong nito

Nagbigay ng payo ang aktres na si Dimples Romana para sa mga kagaya niya na tila mabagal ang usad patungo sa kanilang pangarap.

Imahe mula sa Instagram | Dimples Romana

Nag-guest si Dimples sa isang episode ng “Paano Ba ‘To?” ng Kapamilya host na si Bianca Gonzalez kung saan nagbigay siya ng payo sa isang letter sender na 12 taon na sa kaniyang trabaho ngunit hindi pa nagkakaroon ng break.

Kuwento ni Dimples, sa maraming dekada niya bilang isang artista ay marami na siyang naranasang rejections. Batid niya rin daw na marami sa kanila ang maganda, sexy, at mahusay ngunit ang lagi niyang pinanghahawakan ay siya ang pinakamasipag.

“Lagi kong sinasabi ‘pag pumapasok ako sa isang kwarto, lagi kong sinisiguradong ako ang pinakamasipag kasi at least ‘yon hindi nila makukuha sa akin. ‘Ay, hindi po talaga ako pinakasexy, hindi rin po ako pinakamaganda, hindi rin po ako ang pinakamabilis sa journey na ito, pero ako ang pinakamatiisin,’” paliwanag niya.

May nakapagkuwento rin daw sa kaniya noon na lighting director na may nanghihinayang sa kaniya dahil kahit mahusay siya ay madalas na best friend roles “lang” ang kaniyang ginagampanan.

Ngunit para kay Dimples, blessing pa rin ang mga ito kahit pa wala siya sa spotlight.

Imahe mula sa Instagram | Dimples Romana

“Iniisip ko talaga, if I took offense during that time, it’s going to mess with my head and I won’t be able to function like the usual at hindi ko maabot ‘yung pangarap ko na kung lahat na lang ng hindi magagandang bagay na sasabihin sa akin ay ikakasama ng loob ko,” sabi ng Kadenang Ginto star.

“Kaya ang iniisip ko ‘pag sinabi nila ‘yun, sabi ko na lang don sa lighting director ko, ‘Kuya sabihin mo nakapagpatayo ako ng bahay  sa mga best friend roles na ‘yan kaya lahat ng pwedeng best friend role na pwede kong kuhanin okay lang ‘yun, kahit araw-araw pa kong maging best friend, okay lang ‘yun.’”

Payo ni Dimples sa letter sender, magpasalamat sa mga magagandang nangyayari sa kaniyang buhay ngayon.

“Appreciate the little things that are happening to you now because the victory is even sweeter when the lows were really, really dark and low.”

Source :

YouTube

Loading…