Bong Revilla namimigay ng gadgets para sa online class ng mga bata

Image by Ramon Bong Revilla, Jr. via Instagram
  • Sen. Bong Revilla namimigay ng tablets at iba pang gadgets sa mga estudyante
  • Mula sa inisyal na 300 gadgets na target ay nakapamahagi na siya ng 1,600 at marami pang ipamimigay
  • Bahagi ito ng pagdiriwang ng kanyang ika-54 kaarawan

Suwerte ang libo-libo nang nagwagi at marami pang mananalo sa pa-game show ni Sen. Bong Revilla Jr. sa Facebook at YouTube kung saan namimigay siya ng tablets at iba pang gadgets.

Image by Ramon Bong Revilla, Jr. via Instagram

Nais kasi ni Revilla na matulungan ang maraming kabataang mag-aaral na magkaroon ng magagamit sa online class kaya’t naisipan niyang gawin ang “KAP’s Amazing Gadget Giveaway” sa kanyang ika-54 kaarawan.

Dito, nagpapa-raffle siya at nagpapalaro sa mga taga-suporta.

Kuwento ni Bong sa PEP, mula sa inisyal na 300 gadgets na gusto niyang ipamigay sa mga mag-aaral ay umabot na sa 1,600 ang kanilang naipamahagi at marami pang ipamimigay.

Malaki ang pasasalamat niya sa mga kaibigang patuloy na tumutulong sa kanyang pakay  na makatulong, kabilang na rito sina dating pangulong Joseph Estrada at Mother Lily Monteverde.

“Nakakapagod din pala ang mag-host ng game show. Yung wala kang tigil sa pagsasalita, ‘tapos buong oras na ikaw lang, walang pahinga,” aniya.

Positibo naman ang reaksyon dito ng maraming tagahanga ng Senador at marami ang umaasa na ipagpapatuloy pa niya ito hanggang sa Pasko kung kakayanin.

“Kayo po talaga ang nagse-celebrate ng birthday na kasama ang buong Pilipinas. Salamat po sa mga tulong na ibinibigay po ninyo sa amin. Hindi lamang dito sa gadget kung pang-kalusugan din. Salute po sa inyo Sen. Bong Revilla Jr.,” sabi ng isa.

Image by Ramon Bong Revilla, Jr. via Instagram

Sa kabila nito, mayroon din namang pumuna sa kanyang ginawa.

Bong Revilla mamimigay ng tablets sa 1,000 kabataan para sa kaniyang kaarawan

Nauna nang nagpasalamat si Revilla sa kanyang mga taga-suporta na nag-alay ng panalangin para sa kanyang paggaling matapos dapuan ng COVID-19 noong nakaraang buwan.

“Pinapatawad ko na po kayo. Wala po sa akin ‘yun. Alam ko pong trabaho lamang yan, may nagpapa-bash para sa akin. Pero okay lang po ‘yun.”

Image by Ramon Bong Revilla, Jr. via Instagram

Loading…