Breath analyzer na nakaka-detect ng COVID-19 sa mas mabilis na paraan suportado ng business sector

Imahe mula sa BioSafety Technologies Ltd.
  • Breath analyzer mula sa Israel kayang maka-detect ng COVID-19
  • Kaya ng breath analyzer na gawin ang COVID-19 testing process sa loob ng isang minuto
  • Bukod sa breath analyzer, ang saliva testing method ay pinaniniwalaang makatutulong upang mapabilis ang COVID-19 testing

Lubos na naapektuhan ng COVID-19 pandemic ang ekonomiya ng bansa dahil sa pagsasara ng maraming mga negosyo dahil sa mga ipinatutupad na health protocols. At upang muling pasiglahin ang ekonomiya ay pinapayagan na ang unti-unting pagbubukas ng mga negosyo ngunit sa limitadong kapasidad lang bilang pag-iingat sa muling pagtaas ng bilang ng new COVID-19 cases.

Imahe mula sa PCOO

Ayon sa Presidential Adviser for Entrepreneurship at Go Negosyo founder na si Joey Concepcion makatutulong sa mga maliliit na negosyo ang paggamit ng mga bagong teknolohiya sa COVID-19 testing.

“We are optimistic that these testing technologies will open up the economy safely for many of our SMEs (small and medium enterprises), particularly in the tourism sector,” sabi ni Concepcion.

Isa sa suportado ni Concepcion ang breath analyzer mula sa isang tech firm sa Israel na kayang magsagawa ng testing process sa loob lang ng isang minuto.

Ang bagong testing technology na ito ay na-develop ng BioSafety Technologies, Ltd.

Ang breath testing ay isang madali at non-invasive test upang malaman kung negatibo sa COVID-19 ang isang indibidwal. Kaya rin nitong malaman ng maaga ang mga taong asymptomatics isa hanggang dalawang araw mula nang maimpeksyon ang mga ito.

“A rapid test for determining if a person is negative to COVID-19. The 1-minute test is user friendly and human safe. This solution will assist in mobilizing the economy and allow people a swift return to work, travel and social gatherings,” ayon sa kumpanya.

Imahe mula sa BioSafety Technologiies, Ltd.

Ang kagandahan pa umano sa bagong teknolohiyang ito ay hindi kailangan ang mga medically-trained personnel para magamit.

Bukod sa breath analyzer, ang saliva testing method mula sa kumpanyang Newsight ay makatutulong din sa mabilis na COVID-19 testing. Sa pamamagitan nito ay hindi na umano kakailanganin ang swabbing at lab processing. Isang special mouthwash ang kailangan lang imumog at ang pinagmumugan ay ilalagay sa isang tube. Ang kumpanyang nag-develop nito ay kasalukuyan pa lang kumakalap ng regulatory clearance bago ito ilabas sa publiko.

Imahe mula sa Newsight

 

Loading…