Briton, 75, namumumuhay sa lansangan matapos iwan ng asawa

Image by Sandrix Lita via Facebook
  • 75-anyos na Briton, nakatira ngayon sa isang puno sa tabi ng covered court
  • Binibigyan siya ng pera at pagkain ng mga sasakyang dumaraan
  • Naawa ang mga netizens sa kalagayan ni Arthur Ernest

Sa ilalim ng puno sa tabi ng isang covered court sa Halang, Canlalay, Binan, Laguna nakatira ngayon ang isang 75-anyos na Briton makaraang malugi ang computer shop na kanyang pagmamay-ari at iniwan pa ng asawa.

Image by Sandrix Lita via Facebook

Ani Sandrix Lita sa Facebook, mag-isa na lamang sa buhay si Arthur Ernest at madalas bigyan ng pera at makakain ng mga sasakyang dumaraan. “Hindi siya nanlilimos pero sa kalagayan niya, alam kong hirap na hirap siya.”

Nabanggit pa na mayroong iniindang diabetes ang Briton pero walang mapagkukunan ng pera para maipagamot ang sarili.

“Every morning po naka-stand by siya sa tabi ng isang tindahan sa harap ng gas0linahan sa Ireneville. Mabait si sir at tiwang-tuwa daw siya sa mga Pilipino kasi daw sobrang matulungin, bakas nga sa mukha niya ang saya noong inabutan siya ng makakain.”

Sa kabila nito, nasabi umano ni Ernest na masaya na siya rito sa Pilipinas at sa tingin ni Sandrix ay ayaw na niyang umuwi sa kanila. Ayaw rin nitong magbanggit ng pangalan ng mga kamag-anak sa London.

Tanging binanggit niya ay ang asawang si Elsa Freeman na taga-Canada. Usap-usapan na umano na matagal na itong pumanaw.

Image by Sandrix Lita via Facebook

Marami namang netizen ang naawa sa kalagayan ng Briton at sinabing tutulong sila sa paghahanap sa kanyang pamilya. Mayroon ding nagbanggit na sana’y maitampok siya sa Kapuso Mo, Jessica Soho o Raffy Tulfo in Action.

May mga nagsabi sa comment section na mayaman talaga ang Briton dati pero iniwan ng asawa dala-dala ang kanilang pera.

Saad naman ng iba, ‘wag agad husgahan ang asawa lalo pa kung hindi alam ang buong kuwento.

Image by Sandrix Lita via Facebook
Source :

Facebook

Loading…